Ang I Borghi più belli d'Italia[a] (Ang mga pinakamagandang nayon ng Italya) ay isang non-profit na pribadong asosasyon ng maliliit na bayan ng Italya na may malakas na interes sa kasaysayan at pansining,[1] na itinatag noong Marso 2001 sa inisyatiba ng Sangguniang Panturismo ng Pambansang Samahan ng mga Italyanong Munisipalidad (Associazione Nazionale Comuni Italiani), na may layuning pangalagaan at mapanatili mga nayong may kaledad na pamana.[2] Ang motto nito ay Il fascino dell'Italia nascosta ("Ang kagandahan ng nakatagong Italya").[3]
Itinatag na may layuning mag-ambag sa pagliligtas, pag-iingat, at pagpapasigla ng maliliit na nayon at munisipalidad, ngunit kung minsan kahit na ang mga indibidwal na nayon, na, sa labas ng pangunahing mga sirkito ng turista, nanganganib sila, sa kabila ng kanilang malaking halaga, na nakalimutan na may kalalabasang pagkasira, pagbaba ng populasyon, at pag-abandona.[4] Sa una ang grupo ay nagsama ng humigit-kumulang isang daang nayon, na kasunod na lumaki tungo 349 noong 2023.[5]
Noong 2012, ang asosasyong Italyano ay isa sa mga nagtatag na kasapi ng asosasyong pandaigdig na Mga Pinakamagandang Nayon sa Mundo, isang pribadong organisasyon na pinagsasama-sama ang iba't ibang mga teritoryal na asosasyon na nagpapakilala ng maliliit na tinatahanang sentro ng partikular na interes sa kasaysayan at tanawin.[6]
Paglalarawan
Pamantayan sa pagpasok
Ang mga pamantayan para sa pagpasok sa asosasyon ay nakakatugon sa mga sumusunod na kinakailangan: integridad ng habi ng lungsod, pagkakatugma ng arkitektura, kakayahang mabuhay ng nayon, kaledad ng artistikong-kasaysayan ng pamana ng pampubliko at pribadong gusali, mga serbisyo sa mamamayan pati na rin ang pagbabayad ng taunang bayad sa pagiging kasapi.[7]
Mga inisyatiba
Ang asosasyon ay nag-oorganisa ng mga hakbangin sa loob ng mga nayon, tulad ng mga pagdiriwang, eksibisyon, pagdiriwang, kumperensiya, at konsiyerto na nagpapatampok sa kultural, makasaysayan, gastronomiko, at lingguwistikong pamana, na kinasasangkutan ng mga residente, paaralan, at lokal na artista.[8] Ang club ay nagtataguyod ng maraming mga inisyatiba sa internasyonal na merkado.[9][10][11][12][13][14] Noong 2016, nilagdaan ng asosasyon ang isang pandaigdigang kasunduan sa ENIT,[15] upang isulong ang turismo sa pinakamagagandang nayon sa mundo.[16] Noong 2017, nilagdaan ng club ang isang kasunduan sa Costa Cruises[17] para sa pagpapahusay ng ilang mga nayon, na inaalok sa mga pasahero ng cruise na dumarating sa mga daungan ng Italyano sakay ng mga barko ng operator.[18]
Hindi ito nagmumungkahi ng "mga paraiso sa Mundo" ngunit nais ng asosasyon na ang dumaraming tao ay bumalik upang manirahan sa maliliit na sentrong pangkasaysayan at ang mga bisitang interesadong makilala sila ay mahanap ang mga kapaligiran, ang mga amoy, at ang mga lasa na gawing maging "pangkaraniwan" na isang modelo ng buhay na karapat-dapat na "tamasahin" sa lahat ng mga pandama.[19]
↑Iba-ibang nasasalin bilang "ang mga pinakamagandang nayon ng Italya", "ang mga pinakagamandang bayan ng Italya", at "ang mga pinakamarikit na bayan ng Italya".
↑Splendiani, Simone (2017). Destination management e pianificazione turistica territoriale: Casi e esperienze in Italia (sa wikang Italyano). Franco Angeli. p. 52.
↑"Regolamento"(PDF) (sa wikang Italyano). Nakuha noong 28 July 2023.