Ito ay isang medyebal, ika-15 siglong napapaderan na nayon ng gitnang Italya at matatagpuan sa Kaburulang Umbro sa itaas ng Tiber Valley. tahanan ng mga Montecastelesi.
Ang nakapalibot na tanawin ay tinahian ng mga ubasan, taniman ng olibo, at kaparangan ng mirasol, at tinahi ng mga hanay ng mga tsipre at umbrella pino.
Pangalan
Ang "Monte Castello" o Mountain Castle ay tumutukoy sa medyebal na kutang estruktura ng mga nayong iyon na itinayo sa gilid ng burol ng Umbria, habang ang "Vibio" ay idinagdag sa pangalan noong 1863 sa pamamagitan ng Maharlikang Dekreto ng Hari ng Italya, Vittorio Emanuele II upang makilala ito mula sa ibang munisipalidad pagkatapos ng Pag-iisa ng Italya. Ang "Vibio" ay malamang na nagmula sa isang sinaunang, marangal na pamilya ng Perugia, Colonia Vibia Augusta Perusia at Romanong emperador na si Gaius Vibius Trebonianus Gallus.[4]