Ang Spello (sa Sinauna: Hispellum) ay isang sinaunang bayan at komuna (munisipalidad) sa Lalawigan ng Perugia sa silangang-sentro ng rehiyon ng Umbria sa Italya, sa ibabang bahagi ng timog ng Bundok Subasio . Ito ay 6 km (4 mi) hilaga-hilagang-kanluran ng Foligno at 10 km (6 mi) timog-timog-silangan ng Assisi.
Ang lumang napapaderan na bayan ay nasa isang regular na hilagang-kaluran-timog-silangang padalisdis na tagaytay na kalaunan ay nakakatugon sa kapatagan. Mula sa tuktok ng tagaytay, ang Spello ay may magandang tanawin ng kapatagang Umbro patungo sa Perugia; sa ilalim ng tagaytay, ang bayan ay umaagos mula sa mga pader nito patungo sa isang maliit na modernong seksiyon (o borgo) na pinaglilingkuran ng linya ng tren mula sa Roma hanggang Florencia sa pamamagitan ng Perugia.
Kasaysayan
Pinaninirahan noong sinaunang panahon ng mga Umbro, ito ay naging isang Romanong kolonya noong ika-1 siglo BK. Sa ilalim ng paghahari ni Dakilang Constantino ito ay tinawag na Flavia Constans, gaya ng pinatutunayan ng isang dokumento na napanatili sa lokal na Palasyo Komunal.