Ang Luserna (Cimbriano: Lusérn, Aleman: Lusern) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigang Awtonomo ng Trento sa rehiyon ng Trentino-Alto Adigio, hilagang-silangang Italya, na matatagpuan mga 25 kilometro (16 mi) timog-silangan ng Trento. Noong 2021, mayroon itong populasyon na 271 at isang lugar na 8.2 square kilometre (3.2 mi kuw).[3]
Ang Luserna ay bahagi ng Pamayanang Kahanga-hanga ng Kabundukang Cimbriano (Altipiani Cimbri) kabilang ang mga munisipalidad ng Lavarone at Folgaria. Sa larangan ng turista ito ay bahagi ng Alpe Cimbra. Isa ito sa I Borghi più belli d'Italia ("Ang pinakamagandang nayon ng Italya").[4]
Ang Lusérn ay ang sentro ng wika at kulturang Cimbriano. Sa senso noong 2021, humigit-kumulang 68,8% ng mga tao sa Lusérn ang nagsabing Cimbriano, isang diyalekto ng Mataas na Aleman ng wikang Aleman, ang kanilang unang wika.[5]