Ang Primiero San Martino di Castrozza ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigang Awtonomo ng Trento, rehiyon ng Trentino Alto Adigio, hilagang-silangang Italya.
Ito ay itinatag noong Enero 1, 2016 sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga munisipalidad ng Fiera di Primiero, Siror, Tonadico, at Transacqua.[3]
Ekonomiya
Turismo
Sa kabuuan, ang 19 na dalisdis ng San Martino ay 62 km ang haba, at umaabot sa taas na 2357 m sa ibabaw ng dagat.[4][5]
Ang turismo ng ski sa Primiero ay may mahabang kasaysayan: ang Tognola cable car, ang unang ski lift sa munisipalidad at talagang nagsimula ng ski tradition at turismo sa San Martino di Castrozza, ay pinasinayaan (bilang isang sled lift) 61 taon na ang nakakaraan, noong 1937, kasama si Herman Panzer.[6]
Higit pa rito, mayroong isa pang 30 km ng mga dalisdis para sa mga atleta na nagsasanay ng Nordic skiing, kaya nakakaakit din ng maraming atleta.[4]
Mga sanggunian