Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Italy Abruzzo (ABR)" nor "Template:Location map Italy Abruzzo (ABR)" exists.
Ang Guardiagrele ay isang comune sa lalawigan ng Chieti sa bansang Italya. Nasa paanan ito ng bundok Maiella sa taas na humigit-kumulang 576 metro (1,890 tal). Ang bilang ng populasyon nito ay halos 10,000.
Bilang komento sa mga tanawin ng mga bundok at lambak ng Maiella na kita mula sa ibang bahagi ng bayan, binansagang ng makatang si Gabriele d'Annunzio ang bilang Guardiagrele la terrazza d'Abruzzo ("Terasa ng Abruzzo").
Mga pangunahing tanawin
Sa Guardiagrele matatagpuan ang Pambasang Liwasang Maiella, at bahagi ng club na I Borghi più belli d'Italia (Ang pinakamagandang nayon ng Italya).
Ang pinakamalaking simbahan sa Guardiagrele ay ang Santa Maria Maggiore.
Kultura
Kilala sa buong Abruzzo para sa gawain sa bakal, tanso, at ginto, ang Guardiagrele ay naging tahanan ng dakilang panday at eskultor na si Nicola da Guardiagrele, na isinilang doon noong huling bahagi ng ika-14 na siglo.