Enero 3 – Kasunod ng kinalabasan ng pagbitay kay Nimr al-Nimr noong Enero 2, tinapos ng Saudi Arabia at ilang mga bansa ang kanilang diplomatikong ugnayan sa bansang Iran.[1]
Pebrero
Pebrero 7 – Naglunsad ang Hilagang Korea ng isang intelihensyang satelayt na nagngangalang Kwangmyŏngsŏng-4 sa kalawakan, na kinondena bilang isang malayuang pagsubok ng balistikong misil.[2]
Pebrero 12 – Pumirma sina Papa Francisco at Patriarka Kirill ng isang Ekumenikong Pagpapahayag sa unang pagpupulong sa pagitan ng mga pinuno ng mga Simbahan ng Katoliko at Rusong Ortodokso simula ng kanilang paghahati noong 1054.[3]
Marso
Marso 4 – Naglunsad ang ESA at Roscosmos ng pinagsamang ExoMars Trace Gas Orbiter sa isang misyon sa Marte.[4]
Abril
Abril 3 – Ang Internasyunal na Konsosyo ng Nagiimbestigang Mamamahayag o International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) at pahayagang Aleman na Süddeutsche Zeitung ay naglathala ng isang pangkat ng 11.5 milyong lihim na dokumento mula sa Mossack Fnseca na korporasyon sa Panama na nagbibigay ng detalyadong impormasyon sa higit sa 214,000 kompanya sa ibayong-dagat, kabilang ang mga identidad ng mga kasyoso at direktor kabilang ang mga kilalang personalidad at pinuno ng estado.[5]
Hulyo 5 – Pumasok ang sasakyang-pangkalawakan ng NASA na Juno sa orbita sa palibot ng Jupiter at nagsimula ng isang 20-buwan na pagsisiyasat sa planeta.[12]
Agosto 24 – Tumama ang isang 6.2 magnitud na lindol sa Italya, na kinitil ang 299 na katao.
Agosto 31 – Bumoto (61-20) ang Senado ng Brazil upang isakdal ang Pangulo ng Brazil na si Dilma Rousseff. Ang Pangalawang Pangulo ng Brazil na si Michel Temer ang gumanap sa mga kapangyarihang pampangulo at tungkulin bilang Umaktong Pangulo ng Brazil sa panahon ng suspensyon ni Rousseff, at umupo sa puwesto para sa natitirang niyang termino.[14]
Setyembre
Setyembre 3 – Ang Estados Unidos at Tsina, na magkasamang responsable para sa 40% ng emisyon ng karbon sa mundo, ay parehong pormal na sumama sa pandaigdigang kasunduan sa klima sa Paris.[15]
Oktubre
Oktubre 15 – Nagpulong ang 150 bansa sa pagpupulong United Nations Environment Programme (UNEP) sa Rwanda upang sang-ayunan ang paghinto ng paggamit ng mga hydrofluorocarbon (HFC) bilang amyenda sa Protokol sa Montreal.[16]
↑Sennott, Charles M. (5 Mayo 2015). "The First Battle of the 21st Century". The Atlantic (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Mayo 2015. Even after 14 years of war in Afghanistan, the U.S. military has not fully succeeded in restoring security to the country or defeating the Taliban. Now, at the request of the new Afghan government, the United States has delayed the completion of its troop withdrawal from the country until 2016 at the earliest.