Donald Trump

Donald Trump
Inihalal na Pangulo ng Estados Unidos
Taking office
Enero 20, 2025
Pangalawang PanguloJD Vance (inihalal)
SumunodJoe Biden
Ika-45 na Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
January 20, 2017 – January 20, 2021
Pangalawang PanguloMike Pence
Nakaraang sinundanBarack Obama
Sinundan niJoe Biden
Personal na detalye
Isinilang
Donald John Trump

(1946-06-14) 14 Hunyo 1946 (edad 78)
Lungsod ng New York, New York, U.S.
Partidong pampolitikaRepublikano (1987–1999, 2009–2011, 2012–kasalukuyan)
Ibang ugnayang
pampolitika
Demokratiko (bago noong 1987, 2001–2009)
Reporma (1999–2001)
Independent (2011–2012)[1][2]
Asawa
Anak
Alma materPamantasan ng Fordham
Pamantasan ng Pennsylvania (BS)
PirmaDonald J Trump stylized autograph, in ink
WebsitioOpisyal na websayt

Si Donald John Trump ( /ˈdɒnəld ɒn trʌmp/; ipinanganak noong Hunyo 14, 1946) ay isang negosyante at ang ika-45 Pangulo ng Estados Unidos. Pormal siyang nanumpa bilang pangulo noong 20 Enero 2017. Bilang kandidato sa Partido Republikano, siya ang kasalukuyang inihalal na magiging pangulo matapos niyang talunin si Kamala Harris sa pambansang halalan ng 2024 at nakatakda siyang manumpa bilang ika-47 pangulo sa Enero 20, 2025.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Trump bilang tagapangulo at pangulo ng The Trump Organization, na siyang namamahala sa kaniyang mga negosyo, partikular na sa real estate. Ang ilan sa mga naipatayo niya bilang negosyante ay mga gusaling tanggapan, hotel, casino, mga golf course at iba pang mga pasilidad na dala ang kaniyang pangalan. Nabanggit din ni Trump na kaniyang bibitawan ang kaniyang mga negosyong ito sa oras na maging ganap siyang pangulo.

Trump Tower, New York

Ipinanganak si Trump sa New York at dito siya lumaki. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Ekonomiya sa Wharton School ng Pamantasan ng Pennsylvania noong 1978. Noong 1971 ay binigyan siya ng karapatang mamahala sa negosyo ng kaniyang amang si Fred Trump, na kinalaunan ay pinangalan niya ito bilang The Trump Organization, at kinalaunan din ay sumikat siya sa publiko. Lumabas din si Trump sa ilang mga palabas sa pelikula at sa telebisyon, at naging host siya sa palabas realidad sa telebisyon na The Apprentice kung saan naging prodyuser din siya nito. Kinilala siya ng magasing Forbes noong 2016 bilang ika-324 na pinakamayamang tao sa buong mundo, at ika-156 sa Estados Unidos.

Noong Hunyo 2015, inanunsyo ni Trump na tatakbo siya bilang Pangulo ng Estados Unidos sa ilalim ng Partido Republikano. Pormal siyang naging kandidato ng Republikano noong sumunod na taon. Ang kaniyang pagtakbo bilang pangulo ay sinundan ng midya hindi lang sa Amerika kundi na rin sa buong mundo. Maraming kontrobersiya ang bumalot sa kaniya, tulad ng mga paskil niya sa Twitter at ilang mga kaguluhang naganap sa ilan sa kaniyang mga kampanya at miting de abanse. Lumabas din ang ulat 'di umano ng kaniyang pambabastos sa mga kababaihan, na siya niyang pinabulaanan.

Ang ilan sa kaniyang mga plataporma ay ang pakikipag-usap sa Tsina ukol sa kalakalan, sa pagtutol sa iba't ibang mga kasunduang kalakalan, sa paghigpit sa imigrasyon lalo na sa mga ilegal na naninirahan sa Estados Unidos, at ang pagpapatayo ng mataas na pader sa pagitan ng Estados Unidos at Mehiko. Nais din niyang magdala ng pagbabago sa pag-aalaga sa mga beterano at pagbabawas ng mga buwis. Matapos ang pag-atake sa Paris noong 2015 sinabi niya na nais niyang magpataw ng pansamantalang pagbabawal sa mga Muslim na makapasok sa Amerika, ngunit kinalaunan binago niya ito na sinasabing mas hihigpitan niya diumano ang pagpapasok ng mga tao mula sa mga bansang may kasaysayan ng terorismo hangga't hindi pa napapabuti ang proseso ng pagkilala sa mga maaaring maging terorista.

Sa edad na 71, si Trump na ang magiging pinakamatandang tao na naging Pangulo ng Estados Unidos, na ang dating pagkilala ay kay Ronald Reagan na 69 taong gulang noong naluklok sa pagkapangulo noong 1981. Matapos kay Theodore Roosevelt, siya din ang magiging pangalawang pangulo na pinanganak sa Lungsod ng New York.

Sanggunian

  1. Gillin, Joshua (Agosto 24, 2015). "Bush says Trump was a Democrat longer than a Republican `in the last decade'". PolitiFact. Nakuha noong 2015-10-21.
  2. Sargent, Hilary (Enero 22, 2014). "The Man Responsible for Donald Trump's Never-Ending Presidential Campaign". Boston.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 3, 2016. Nakuha noong Nobiyembre 11, 2016. A New Hampshire Republican activist named Mike Dunbar dreamed up the idea of a Donald Trump presidency [in] early summer of 1987... Dunbar launched a 'Draft Trump' campaign... Stories about a possible Trump presidency ran in newspapers across the country... (Trump was registered as a Democrat at the time...) {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)

Mga kawing panlabas

Sinundan:
Fred Trump
Tagapangulo at Pangulo ng The Trump Organization
1971–2017
Susunod:
Donald Trump Jr.
Eric Trump
Allen Weisselberg (Trustees)
Mga tungkuling pangpartido pampolitika
Sinundan:
Mitt Romney
Republikano Nominado bilang Pangulo ng Estados Unidos
2016
Pinakakamakailan
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Barack Obama
Pangulo ng Estados Unidos
2017–2021
Susunod:
Joe Biden

Politiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.