Kailangang isapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
Katerina Tikhonova, Maria Vorontsova, Elizaveta Rozova, Ivan Putin, Vladimir Putin Jr.
Magulang
Vladimir Putin
Maria Putina
Pirma
Si Vladimir Vladimirovič Putin (Siriliko/Ruso: Владимир Владимирович Путин; ipinanganak Oktubre 7, 1952) ay isang Rusong pulitiko at dating intelligence officer na ngayo'y ang kasalukuyang pangulo ng Rusya, puwestong kaniyang kinaluluklukan mula pang 2012, at mula rin noong 2000 hanggang 2008. Siya rin ang naging punong ministro mula 1999-2000 at noon ding mula 2008-2012.[4] Si Putin ang ikalawang pinakamatagal-na-nanunungkulang pangulong Europeo sunod kay Alexander Lukashenko ng Belarus.
Nagtrabaho siya bilang isang foreign intelligence officer sa KGB, kung saan naipataas niya ang kaniyang ranggo sa pagiging tenyente-koronel, bago magbitiw sa trabaho noong 1991 upang simulan ang kaniyang karera pulitikal sa San Petersburgo. Lumipat siya ng Mosku noong 1996 upang pakiisahan ang administrasyon ni pangulong Boris Yeltsin. Nanilbihan siya bilang direktor ng Serbisyo Seguridad Pederal at kalihim ng Konseho ng Seguridad bago maatasan bilang punong ministro noong 1999. Matapos ang pagbitiw ni Yeltsin, si Putin ang naging nanunungkulang-pangulo at direktamenteng nahalal para sa kaniyang unang termino bilang pangulo pagkalipas ng 'di-lalabis sa apat na buwan, at muli noong 2004. Dahil hindi siya pinahintulutan ng saligang batas na lumabis sa dalawang magkasunod na termino, muling nanilbihan si Putin bilang punong ministro sa ilalim ni Dmitry Medvedev, at bumalik sa pagkapangulo noong 2012 sa isanghalalan na puno ng bahid ng mga alegasyon ng pandaraya at mga protesta; at muli siyang nahalal noong 2018. Noong Abril ng 2021, kasunod ng isang reperendum, naglagda siya ng pagsasabatas ng mga konstitusyunal na pag-amyenda kabilang ang isa na magpapahintulot sa kaniya na muling mahalal nang dalawa pang beses na tila nagpapalawig sa kaniyang pagkapangulo hanggang 2036.[5][6]
Noong 1952, ipinanganak si Putin sa Leningrad (ngayon ay St. Petersburg), siya lang ang katangi-tanging anak ng isang tagapangasiwa ng pabrika at ng kanyang asawa. Noong 1975, nagtapos ng abogasya si Putin sa departamentong batas sa Estadong Unibersidad ng Leningrad. Sa parehong taon, sumali siya sa Foreign Intelligence Service ng KGB.[7]
Noong 1983, pinangasawa ni Putin si Lyudmila, isang espesyalista sa mga lenggwahe. Sa gitna ng 1985 hanggang 1990, si Putin ay inassign ng gawain sa Dresde, Silangang Alemanya.[7][8]
Habang naka-post sa Dresde, nagtrabaho si Putin bilang isa sa mga liaison officer ng KGB sa lihim na pulis ng Stasi at naiulat na siya'y na-promote bilang tenyente kolonel. Ayon sa opisyal na Kremlin Presidential site, pinuri ng rehimeng komunista ng Silangang Alemanya si Putin ng isang medalyang bronse para sa "tapat na serbisyo sa Pambansang Sandatahan ng Bayan". Ipinahayag ni Putin sa publiko ang kagalakan sa kanyang mga aktibidad sa Dresde, minsang ikinuwento ang kanyang mga paghaharap sa mga anti-komunistang nagpoprotesta noong 1989 na nagtangkang sakupin ang mga gusali ng Stasi sa lungsod.[9]
Noong 1990 rin naging rektor siya ng usaping internasyonal sa Estadong Unibersidad ng Leningrad at naging pinuno ng Leningrad City Council. Noong 1991, umalis si Putin sa KGB.[7]
Mga bandang 1994 hanggang 1996, naging first deputy chairman si Putin ng lokal na gobyerno ng St. Petersburg, naging pinuno rin siya ng komite para sa panlabas na pakikipag-ugnayan. Pagkatapos nito si Putin ay lumipat sa Moscow at naging first deputy manager ni Boris Yeltsin.[7]
Karerang Pampolitika at Pag-akyat bilang Pangulo
Noong Marso 1997, si Putin ay naging deputy chief of staff na nangangasiwa sa Departamentong may Pangkalahatang Kontrol at noong Mayo 1998 naman, siya ay nangasiwa sa iba't-ibang rehiyon sa Rusya.[7]
Si Putin rin ay naging direktor ng Federal Security Council, isang ahensyang pumalit sa KGB at sa gitna ng Marso hanggang Agosto 1999, siya ang nangasiwa bilang sekretarya ng Seguridad sa Rusya. Noong Agosto 1999 rin naging punong ministro si Putin.[7]
Noong Disyembre 31, 1999, bumaba sa puwesto si Yeltsin at si Putin muna ang umaktong pangulo habang nagsasagawa ng eleksyon. Noong Marso 26, 2000, nanalo si Putin bilang pangulo na may porsiyentong hihigit pa sa singkwenta at noong Mayo 7, 2000, nanungkulan bilang presidente. Nangako si Putin:[7]
Mayroon tayong isang mithiin: isang malakas na bansang Rusya
— Vladimir Putin
Bilang Pangulo
Dekada 2000s
Noong Hunyo 2000, nagpasimuno si Putin ng sa isang summit sa Moscow kasama ang Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton. Dahil sa hindi pagkakasundo ng dalawang bansa, nakipagkita si Putin kay dating Presidente Jiang Zemin at nakipagkasundo sa isang pahayag na taliwas sa kagustuhan ng Estados Unidos na gumawa ng mga missle shed sa Hilagang Amerika at Asya. Noong Disyembre 2000, nakipagkita si Putin kay Fidel Castro para ayusin ang nasirang relasyon magmula noong bumagsak ang Unyong Sobyet.[7]
Noong Abril 2001, naakusahan si Putin na pinapatahimik ang mga pribadong midya tulad ng NTV television.[7]
Noong unang summit kay Pangulong George W. Bush ng Amerika, sinabi ni Putin na magkaibigan ang dalawang bansa.[7] Pagkatapos ng dalawang oras na pag-uusap, sinabi ni Bush sa mga mamamahayag na naramdaman niya ang kaluluwa ni Putin. Parehas silang pumirma sa Moscow Treaty on Strategic Offensive Reductions kung saan papayag ang dalawang bansa na bawasan ang mga armas na pandigma gayundin sa mga nuclear weapons sa loob ng sampung taon.[10]
Nanalo uli si Putin bilang pangulo noong Marso 15, 2004 at noong Mayo 7, 2004, nanungkulan muli bilang pangulo.[10]
Mula 2005 hanggang 2006, maraming binisitang bansa si Putin pati na rin sa mga pinuno nito. Ilan dito ang Israel, pagkikita sa Punong Ministro ng UK na si Tony Blair, at ang Pangulo ng South Africa na si Thano Mbeki. Dahil dito noong 2007, tinanghal siya ng Time Magazine bilang Person of the Year.[10]
Sa kasamaang palad hindi siya nanalong pangulo noong 2008, pero itinalaga si Putin bilang Punong Ministro ni Medvedev.[10]
Dekada 2010s
Noong Setyembre 24, 2011, tinawag ni Medvedev ang United Russia Party at inindorso si Putin bilang kandidato sa 2012. Noong Marso 4, 2012, nanalo si Putin at noong Mayo 7, 2012, nanungkulan bilang pangulo ng Rusya sa ikatlong termino.[10]