Si George Walker Bush (/ˈdʒɔrdʒ ˈwɔːkɚ ˈbʊʃ/ (tulong·kabatiran); isinilang noong 6 Hulyo 1946) ay ang ika-apatnapu't tatlong pangulo ng Estados Unidos. Siya ay nanungkulang ikaapatnapu't anim na Gubernador ng Texas mula 1995 hanggang 2000 at ang pinakamatandang anak ng dating pangulo ng Estados Unidos na si George Herbert Walker Bush at Barbara Bush. Siya ay nanumpa noong 20 Enero 2001 at ang kanyang kasalukuyang termino ay nakatakdang matapos hapon ng 20 Enero 2009[2]
Pagkatapos magtapos sa dalubhasaan, si Bush ay nagtrabaho sa negosyong langis ng pamilyang Bush. Nabigo siyang manalo sa kanyang pagtakbo sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos noong 1978. Noong halalang pangpanguluhan noong 2000, natalo si Bush sa popular na halalan subalit nanalo siya pamamagitan ng mga Electoral College, at nahalal bilang pangulo noong 2000 sa ilalim ng Partido Republikano ng Amerika.
Nagtapos ang kanyang panunungkulan noong 20 Enero 2009 at sinundan siya ni Barack Obama.
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas