Enero 7 – Pinatay ng dalawang mamaril ang 12 katao at 11 iba pa ang sugatan sa mga tanggapan ng mapanuyang pahayagang Charlie Hebdo sa Paris. Ang pagsalakay na ito at apat na kaugnay na mga insidente ng terorismo sa loob ng tatlong araw ang nagdala sa milyon-milyong mga tao para sa welga ng pagkakaisa sa Paris at sa buong Pransiya.[2][3]
Pebrero 16 – Nagsimula ang militar sa Ehipto na magsagawa ng mga pagsalakay mula sa himpapawid laban sa sangay ng Islamikong militanteng pangkat na ISIL sa Libya bilang pagganti sa pamumugot sa isang dosenang Kristiyanong taga-Ehipto.[5]
Marso
Marso 6 – Pumasok ang intrumentong pansubok ng NASA na Dawn sa orbita sa palibot ng Ceres, na naging ang unang sasakyang-pangkalawakan na bumisita sa isang planetang unano.[6][7]
Mayo 12 – Nagresulta ang pangalawang pangunahing lindol sa Nepal na sumusukat ng 7.3 magnitud, sa 153 patay sa Nepal,[13] 62 sa Indya,[14] 1 sa Tsina[15] at 2 sa Bangladesh[15] sa kabuuang 218 patay.
Mayo 23 – Bumoto ang Republika ng Irlanda sa isang reperendum sa Ikatatlumpu't Apat na Ameyenda ng Konstitusyon ng Irlandya upang pahintulutan ang kasalan ng magkaparehong kasarian, na sinabatas sa pamamagitan ng Batas sa Kasal ng 2015 at ipapatupad sa Nobyembre 16, na ang unang pagkakataon na ang isang estado na ginawang ligal ang kasalan ng magkaparehong kasarian sa pamamagitan ng popular na pagboto.[16]
Hunyo
Hunyo 30 – Ang Cuba ay naging unang bansa sa mundo na pinuksa ang transmisyon ng HIV at syphilis mula ina-tungo-anak.[17]
Nobyembre 7 – Sa unang pagkakataon, pormal na nagpulong ang pangkalahatang kalihim ng CPC na si Xi Jinping at pangulo ng ROC na si Ma Ying-jeou.[22]
Disyembre
Disyembre 12 – Napagkasunduan ang isang kasunduan sa pagbabago ng klima ng pagpupulong ng COP 21, na pinapangako ng lahat ng bansa na bawasan ang emisyon ng karbon para sa unang pagkakataon.[23]
Disyembre 22 – Pinalapag ng SpaceX ang walang-taong raket na Falcon 9, ang unang muling nagagamit na raket na matagumpay na pumasok sa orbital na kalawakan at bumalik.[24]