Enero 14 – Sa oras na 19:04:39 UTC, ang walang-tao na pansiyasat sa kalawakan na MESSENGER ay nasa kanyang pinakamalapit na paglapit noong kanyang unang pagdaan sa Merkuryo.[3]
Pebrero
Pebrero 17 – Pormal na idineklera ng Kosovo ang kalayaan mula sa Serbia, na nagkaroon ng magkahalong reaksyon mula sa internasyunal na pamayanan.[4][5]
Marso
Marso 19 – Isang paglabas ng enerhiya ng isang sumambulat na Gamma-ray na tinatawag na GRB 080319B ay ang pinakamalinaw na kaganapan kailanman sa Sansinukob.[6]
Abril 4 – Ang sasakyang pangkalawakan na Jules Verne, ang unang European Automated Transfer Vehicle, ay tagumpay na nakapunta sa Pandaigdigang Estasyon sa Kalawakan.[8]
Hulyo 11 – Sinuspinde ng Timog Korea ang lahat ng paglalakbay sa Bundok Kumgang sa Hilagang Korea pagkatapos barilin ang isang 53-taong-gulang na turista ng isang Hilagang Koreanong nagbabantay noong umaga ng araw na ito.[11]
Setyembre 10 – Umikot sa unang pagkakataon ang sinag ng proton sa Large Hadron Collider, ang pinakamalaki at pinakamataas na enerhiyang akselarador ng partikula sa buong mundo, na matatagpuan sa CERN, malapit sa Geneva, sa ilalim ng hangganan ng Pranko-Suwiso..[14][15]
Oktubre 22 – Matagumpay na nailunsad ng Indiyanong Organisasyong sa Pananaliksik ng Kalawakan ang sasakyang pangkalawakan na Chandrayaan-1 sa isang misyon ng eksplorasyon sa buwan.[17][18]
Disyembre 10 – Ginanap ang unang buong demokratikong eleksyon sa Pulo ng Channel na Sark, isang Koronang Britanikong dependensya, sa ilalim ng isang bagong kasunduang konstitusyonal, na naging ang huling teritoryo sa Europa na binuwag ang pyudalismo.[24]
Disyembre 31 – Isang karagdagang segundong bisyesto (23:59:60) ang nailagay sa dulo ng taon. Ang huling pagkakataon na ginawa ito ay noong 2005.
↑"Mercury Flyby 1" (sa wikang Ingles). Johns Hopkins University Applied Physics Laboratory. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 16, 2008. Nakuha noong 2008-01-12.
↑"Beijing 2008 – It's a wrap". The Boston Globe (sa wikang Ingles). Agosto 25, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 27, 2008. Nakuha noong Hulyo 8, 2011.