Ang pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2007-2008 ay isang pangunahing kagipitan o krisis sa pananalapi.[1] Namamayaning nararamdaman ito noong Setyembre 2008 na kasama ang pagkabigo, pagsama-sama o pagkonserbator ng ilang malalaking kompanyang pananalapi na nakabase sa Estados Unidos. Maraming buwan bago ang Setyembre, naiulat sa mga pahayagang pang-negosyo ang mga pinagbatayan sa mga dahilan na magdudulot sa krisis. Kasama dito ang mga komentaryo tungkol sa katatagan sa pananalapi ng mga nangungunang pamumuhunang bangko, kompanyang pang-seguro at sanglaang bangko sa Europa at Estados Unidos na bunga ng krisis sa subprimong sangla.[1][2][3][4]
Pagkatapos ng pagsisimula ng krisis, ang mga pamahalaan ay nagtalaga ng napakalaking bail-outs ng mga institusyong pampinansyal at iba pang pampakalmang patakaran sa pananalapi, nagtaguyod rin sila ng mga pulisiyang piskal upang maiwasan ang pagbagsak ng pandaigdigang sistema ng pananalapi.[5] Sa Estados Unidos, ang Oktubre 3, $800 bilyon na Emergency Economic Stabilization Act ng 2008 ay nabigo na pabagalin ang economic free-fall, ngunit ang kaparehong laki ng American Recovery and Reinvestment Act ng 2009, na kinabibilangan ng malaking payroll tax credit, ay nakita ang mga ekonomikang tagapaghiwatig na bumaliktad at magpapatatag nang wala pang isang buwan pagkatapos nitong pagsasabatas noong Pebrero 17.[6] Ang krisis ay nagdulot ng Malaking Pag-urong (Great Recession) na nagresulta sa pagtaas ng kawalan ng trabaho[7] , pagpapakamatay,[8] pagbaba ng tiwala sa institusyon[9] at pagkamayabong (fertility),[10] bukod sa iba pang sukatan. Ang pag-urong ay isang makabuluhang paunang kondisyon para sa krisis sa utang ng Europa (European debt crisis).
Mga sanggunian
↑ 1.01.1Torbat, Akbar E. (2008-10-13). "Global Financial Meltdown and the Demise of Neoliberalism". Global Research. Center for Research on Globalization. Nakuha noong 2008-10-15. These happened in a matter of a few weeks in September, constituting the largest financial failure in the US since the great depression.