Ang Toyoake (豊明市,Toyoake-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01)[update], may tinatayang populasyon na 69,525 katao ang lungsod sa 30,185 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 2,994 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 23.22 square kilometre (8.97 mi kuw).
Kasaysayan
Ang lugar ng kasalukuyang Toyoake ay bahagi ng Lalawigan ng Owari at kinaroroonan ito ng maraming mga labanan noong panahong Sengoku. Bahagi ito ng mga lupain ng Dominyong Owari sa ilalim ng kasugunang Tokugawa ng panahong Edo. Kalakip ng pagtatatag ng sistema ng kasalukuyang mga munisipalidad noong 1888, itinatag ang nayon ng Toyoake sa loob ng Distrito ng Aichi, Aichi. Naging bayan ito noong Enero 1, 1951, at lungsod noong Agosto 1, 1982.
Heograpiya
Matatagpuan ang Toyoake sa pambaybaying mga kapatagan ng gitnang Prepektura ng Aichi, kahangga ang Nagoya metropolis.
↑"International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 March 2016. Nakuha noong 21 November 2015.
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Toyoake, Aichi ang Wikimedia Commons.
Opisyal na websayt(sa Hapones) (kalakip ng kawing papuntang mga pahinang Ingles)