Paikot sa kanan mula sa taas: Kastilyo ng Komaki; Gusaling Panlungsod ng Komaki (hilaga); Panoramang urbano ng Komaki; Gusaling Panlungsod ng Komaki (timog)
Ang Komaki (小牧市,Komaki-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01)[update], may tinatayang populasyon na 148,872 ang lungsod sa 68,174 mga kabahayan,[1] at kapal ng populasyon na 2,370 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 62.81 square kilometre (24.25 mi kuw). Karaniwang ini-uugnay ang Komaki sa dating Paliparan ng Komaki, na matatagpuan sa hangganan sa pagitan ng Komaki at ng katabing lungsod ng Kasugai.
Sa kasagsagan ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sa panahong Meiji, ang lugar ay binuo ng mga nayon sa ilalim ng Distrito ng Higashikasugai, Aichi. Inihayag ang Komaki bilang isang bayan noong Hulyo 16, 1906 sa pamamagitan ng pagsasanib ng apat na mga nayon. Itinaas ito sa katayuang panlungsod noong Enero 1, 1955, pagkaraang isanib ito sa nayon ng Kitasato ng Distrito ng Nishikasugai.
Heograpiya
Matatagpuan ang Komaki sa gitna ng Kapatagang Nōbi, gitnang-kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aichi, sa hilaga ng Nagoya metropolis. Nangingibabaw sa panoramang urbano ng lungsod ang Bundok Komaki, kung saang nasa ibabaw nito ang Kastilyo ng Komaki.
↑"International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 December 2015. Nakuha noong 21 November 2015.
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Komaki, Aichi ang Wikimedia Commons.