city designated by government ordinance, prefectural capital of Japan, lungsod ng Hapon, daungang lungsod, megacity, city for international conferences and tourism
Ang Nagoya (名古屋市,Nagoya-shi) ay ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Chūbu sa bansang Hapon. Ito ang ikaapat na pinakamalaking inkorporadang lungsod at ikatlong pinakamataong urbanong lugar. Matatagpuan sa baybayin ng Pasipiko sa gitnang Honshu, ito ang kabisera ng Prepektura ng Aichi at isa sa mga pangunahing daugan ng bansang Hapon kasama ang mga nasa Tokyo, Osaka, Kobe, Yokohama, and Chiba. Ito rin ang sentro ng ikatlong pinakamalaking kalakhang rehiyon ng Hapon, na kilala bilang kalakhan lugar ng Chūkyō. Noong Oktubre 10, 2019, mayroong 2,327,557 katao ang nanirahan sa lungsod, bahagi ng 10.11 milyong katao ng kalakhan lugar ng Chūkyō,[2] na ginagawang isa sa 50 pinakamalaking urbanong lugar sa buong sanlibutan.