Paikot sa kanan mula sa itaas: Panoramang urbano ng Gamagori kasama ang Estasyong Gamagori sa harap; Gusaling Panlungsod ng Gamagori; Takeshima Aquarium; Katahara Onsen (Hydrangea Park); Takeshima (Pulo ng Take); Gamagori Classic Hotel
Ang Gamagōri (蒲郡市,Gamagōri-shi) ay isang lungsod sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01)[update], may tinatayang populasyon na 80,063 katao ang lungsod sa 32,800 mga kabahayan,[1] at kapal ng populasyon na 1,407 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 56.92 square kilometre (21.98 mi kuw).
Kasunod ng pasimula ng panahong Meiji, ibinuo ang nayon ng Gamagōri sa Distrito ng Hoi, Prepektura ng Aichi noong Oktubre 1, 1889. Itinaas ito sa katayuang pambayan noong Oktubre 6, 1891. Lumaki ang bayan sa pamamagitan ng mga pagdudugtong ng karatig na mga nayon ng Toyooka, Kaminogo at Shizusato noong Hulyo 4, 1906. Naiwasan ng bayan ang pinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit napinsala ang ilang mga bahagi ito sa lindol sa Mikawa noong 1945.
Inihayag ang Gamagōri bilang lungsod noong Abril 1, 1954 nang sinanib ito sa katabing bayan ng Miya at nayon ng Shiotsu. Sinama ang nayon ng Otsuka sa Gamagōri noong Oktubre 1, 1956. Kasunod nito ang Katahara noong Abril 1, 1962 at Nishiura noong Abril 1, 1963.