Ang Kariya (刈谷市,Kariya-shi) ay isang lungsod sa gitnang bahagi ng Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01)[update], ito ay may tinatayang populasyon na 153,162 katao sa 66,751 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 3,040 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 50.39 square kilometre (19.46 mi kuw).
Kasunod ng Pagpapanumbalik ng Meiji, itinatag ang bayan ng Kariya sa loob ng Distrito ng Hekikai, Prepektura ng Aichi kasabay ng pagtatatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad noong Oktubre 1, 1889. Lumago ang bayan bilang sentro ng komersiyo, paggawa ng sake, serikultura at seramiko dahil sa kinaroroonan nito sa pangunahing mga ruta ng daambakal. Ang Yosami Transmitting Station na matatagpuan sa Kariya ay ang pinakamataas na estruktura ng Hapon nang natapos ang pagtatayo nito noong 1929. Nakamit ng Kariya ang katayuang panlungsod noong Abril 1, 1950. Lumaki ang lungsod nang idinugtong nito ang katabing Fujimatsu at karamihan sa mga nayon ng Yosami noong Abril 1, 1955. Ibinalik ang paghawak ng Yosami Transmitting Station sa Hapon mula sa Hukbong Pandagat ng Estados Unidos noong 1994, at isa na ngayong liwasang panlungsod ang dating pasilidad.
Heograpiya
Matatagpuan ang Kariya sa gitnang bahagi ng Prepektura ng Aichi, sa panig ng Mikawa ng hangganan sa pagitan ng dating Lalawigan ng Owari at dating Lalawigan ng Mikawa. Patag at natutubigang-mainam ang lugar, na may karaniwang taas na mas-mababa sa 10 metro sa ibabaw ng lebel ng dagat.
↑"International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 December 2015. Nakuha noong 21 November 2015.
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Kariya, Aichi ang Wikimedia Commons.