Ang Tokoname (常滑市,Tokoname-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01)[update], may tinatayang populasyon na 57,872 katao ang lungsod sa 24,872 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon ng 1,035 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 55.90 square kilometre (21.58 mi kuw).
Kasunod ng mga pagbabagong katastro sa ilalim ng pagpapanumbalik ng Meiji noong 1889, itinatag ang bayan ng Tokoname kasabay ng pagtatatag ng sistema ng makabagong mga munisipalidad. Itinaas ito sa katayuang panlungsod noong Abril 1, 1954 nang sinanib ito sa mga bayan ng Onizaki (鬼崎), Nishiura (西浦) at Ōno (大野), at nayon ng Miwa (三和村).
Heograpiya
Ang Tokoname ay matatagpuan sa kanlurang baybaying-dagat ng Tangway ng Chita sa katimugang Prepektura ng Aichi, kaharap ng Look ng Ise.