Ang Septuagint ay orihinal na designasyon ng Hudyong Torah sa Griyegong Koine na lingguwa prangka ng Silangang Mediterraneo mula sa kamatayan ni Dakilang Alejandro (323 BCE) hanggang sa pagkakabuo ng Griyegong Byzantino (c.600 CE). Ang ilang sinaunang bago ng panahong Kristiyanong bersiyon ng Septuagint ay tinitingan nang may dakilang respeto sa sinaunang mga panahon. Sina Philo na pilosopong Hudyong Hellenistiko at Josephus na unang siglo CE Romanong-Hudyong historyan ay nagturo ng pagkasi ng diyos sa mga tagapagsaling Hudyo ng Septuagint.[2][3] Gayunpaman, ayon kay Josephus, ang isinalin na Septuagint ay tumutukoy lamang sa Torah(Pauna sa Antiquities of the Jews, XII.2:1-4). Para sa mga modernong Hudyo, ang Septuagint sa kasalukuyang anyo nito ay isang pagbabago ng mga Kristiyano upang umayon sa teolohiyang Kristiyano. Halimbawa, sa paunang pahina ng Aklat ng mga Kronika, sinabi ni Jeronimo na sa kanyang panahon ay may umiiral na tatlong saling Griyego ng Hebreong Bibliya: ang bersiyon ng Kristiyanong si Origen, ang bersiyon ni Hesychius at ang bersiyon ni Lucian. Naniniwala ang mga modernong Hudyo na ang kasalukuyang Septuagint ay mula sa mga pagbabago nina Hesychius, Kristiyanong si Origen at Lucian. Sa simula ng Huli ng Antikwidad na minsang itinuro sa konseho ng Jamnia, ang nananaig na Hudaismong Rabiniko ay tumakwil sa Septuagint bilang isang balidong tekstong Hudyo dahil sa natiyak na mga mistranslasyon (maling salin) nito ng Tanakh (Hebreo) kasama ng mga elementong Hellenistiko-heretikal nito at kaya ay mas pinapaboran ng mga Hudyo ang tekstong Hebreo na Masoretiko sa halip na saling Griyego na Septuagint.[4][5] Ang tekstong Masoretiko rin ang basehan ng mga modernong salin ng Lumang Tipan ng Bibliya sa mga bibliyang Protestante at Romano Katoliko ngunit ang Septuagint ang patuloy na ginagamit sa mga bibliya ng Silangang Ortodokso dahil sa paniniwala nito na kinasihan ng diyos ang Septuagint. Bilang resulta, ang sinaunang mga saling Hudyo ng Torah sa Griyegong Koine ng mga Hudyong Rabbanim ay umiiral lamang sa kasalukuyan panahon bilang mga bihirang pragmento (hindi kumpleto). Ang mga skribang Hudyo ay nagbibigay rin sa orihinal na Hebreo nang walang hanggang kalidad[6] na hindi dapat hawakan o bilangin.
Sa paglipas ng panahon, ang LXX ay nakilala bilang "Griyegong Lumang Tipan" ng Kristiyanismo na nagsasama ng mga salin ng lahat ng mga aklat ng Tanakh at ng mga aklat na kalaunang itinuring na apokripa o deuterokanoniko na ang ilan ay isinulat sa Griyego.[4] Ang ilang mga bersiyon ay tanging naingatan sa anyong pragmentaryo. Dahil sa pagiging akdang komposito, ang proseso ng pagsasalin ng sinaunang Septuagint ay may ilang natatanging mga yugto. Ito ay nagsimula sa ikatlong siglo BCE at nakumpleto noong 132 BCE.[5][7][8][9]
Ayon sa (pseudepigrapikong) Sulat ni Aristeas at inulit na pagpapalamuti ni Philo, Josephus at iba't ibang mga kalaunang mga sangguniang Hudyo at Kristiyano, unang isinalin ng mga Hudyong skolar ang Torah (unang limang aklat ng Tanakh) sa Griyegong Koine noong ika-3 siglo BCE.[13][14] Ang tradisyonal na paliwanag ay ang saling ito ay inisponsoran ng pinuno ng Ehipto na si Ptolomeo II Philadelphus[15] para sa paggamit ng maraming mga Hudyong Alexandriano na bihasa sa Griyego ngunit hindi sa Hebreo. Ang Talmud ay nagpapatuloy ng kuwento ng Sulat ni Aristeas:
'Minsang tinipon ni Haring Ptolomeo ang 72 nakatatanda. Kanyang iniligay sila sa 72 kamara, ang bawat isa sa kanila ay hiwalay, nang hindi hinahayag sa kanila kung bakit sila sinamo. Siya ay pumasok sa bawat kwarto na nagsabing: "Isulat ninyo para sa akin ang Torah ni Moises, ang inyong guro." Iniligay ng diyos sa puso ng bawat isa upang isalin ng magkatulad gaya ng ginawa ng iba.'[16]
Ang petsang ika-3 siglo BCE ay kinumpirma para sa saling Pentateuch ng ilang mga paktor kabilang ang Griyego na kinatawan ng sinaunang mga banggit Koine [17] sa simula pa ng ika-2 siglo BCE at mga sinaunang manuskrito na mapepetsa sa ika-2 siglo BCE. Ang mga natitirang aklat ay isinalin sa loob ng sumunod na dalawa hanggang tatlong mga siglo. Hindi maliwang kung ano ang naisalin kailan o saan. Ang ilan ay maaaring naisalin ng dalawang beses sa iba't ibang mga bersiyon at pagkatapos ay binago.[18] Ang kalidad at istilo ng iba't ibang mga tagasalin ay labis na iba iba rin mula sa bawat aklat mula sa literal hanggang sa paraprasis (paraphrase) hanggang sa pagpapakahulugan. Habang ang trabaho ng pagsalin ay unti unting umuunlad, at ang mga bagong aklat ay idinadagdag sa koleksiyon, ang compass ng Bibliyang Griyego ay naging medyo walang katiyakan. Palaging pinananatili ng Pentateuch ang pre-eminensiya nito bilang basehan ng kanon ngunit ang koleksiyong propetiko (kung saan ang Nev'im ay napili) ay nagbago ng aspeto nito sa pamamagitan ng pagsasama ng iba't ibang hagiograpa dito. Ang ilan sa mga bagong akda na tinatawag na anagignoskomena sa Griyego ay hindi isinama sa kanong Hudyo. Kabilang sa mga ito ang Aklat ng mga Macabeo at ang Ben Sira. Gayundin, sa bersiyong Septuagint, ang ilang mga aklat gaya ng Aklat ni Daniel at Aklat ni Esther ay mas mahaba kesa sa tekstong Masoretiko.[19] Ang ilang mga kalaunang aklat (Karunungan ni Solomon, 2 Macabeo at iba pa) ay maliwanag na hindi isinalin sa Griyego kundi nilikha sa Griyego. Ang autoridad ng mas malaking pangkat ng mga "kasulatan" kung ang ketuvim ay napili ay hindi pa natutukoy bagaman ang ilang uri ng selektibong proseso ay inilapat dahil ang Septuagint ay hindi kinabibilangan ng iba't mga kilalang dokumentong Hudyo gaya ng Aklat ni Enoch o Aklat ng Jubilees o iba pang mga kasulatan na bahagi na ngayon ng pseudipigrapha. Hindi alam kung anong mga prinsipyo ang ginamit upang matukoy ang mga nilalaman ng Septuagint ng lagpas sa Torah at sa Nev'im na pariralang ginamit ng ilang beses sa Bagong Tipan.
Kasaysayang tekstuwal
Ang modernong skolarship ay nagsasaad na ang Septuagint (LXX) ay isinulat noong ika-3 siglo BCE hanggang ika-1 siglo BCE. Gayunpaman, ang halos lahat ng mga pagtatangka sa pagpepetsa ng mga spesipikong aklat maliban sa Pentateuch (simula hanggang gitna nang ika-3 siglo BCE) ay tentatibo at walang kasunduan.[2]
Ang mga kalunang pagbabagong Hudyo at mga recension ng Griyego laban sa Hebreo ay maiging napatunayan na ang pinakakilala ang kinabibilangan ng "ang tatlo":Aquila ng Sinope, (128 CE), Symmachus, at Theodotion. Ang tatlong ito sa iba't ibang digri ay mas literal na pagsasalin ng kontemporaryong mga kasulatang Hebreo kung ikukumpara sa Lumang Griyego. Ang mga modernong skolar ay tumuturing sa isa o higit pa ng tatlong ito na buong bagong Griyego ng Bibliyang Hebreo.[20] Noong mga 235 CE, si Origen na isang skolar na Kristiyano ay kumumpleto sa Hexapla na isang komprehensibong paghahambing ng mga sinaunang bersiyon at tekstong Hebreo nang magkakatabi sa anim na kolumna na may mga markang diakritical (a.k.a. "mga marka ng editor, mga tandang kritikal o mga tandang Aristarko). Ang karamihan ng akdang ito ay nawala ngunit ang ilang mga kompilasyon ng mga pragmento ay umiiral. Sa unang kolumna ay ang kontemporaryong Hebreo, sa ikalawa ang transliterasyong Griyego nito at pagkatapos ay mga bagong bersiyong Griyego sa bawat kolumna nito. Nagpanatili rin i Origen ng isang kolumna para sa Lumang Griyego (Septuagint) at kasunod ito ay isang aparatong kritikal na nagsasama ng mga pagbasa mula sa lahat ng mga bersiyong Griyego na may mga markang diakritical na nagpapakita kung aling bersiyon ang bawat linya ay kabilang (Gr. στἰχος).[21] Marahil ang malaking bolyum na Hexapla ay hindi kailanman kinopya sa kabuuan nito ngunit ang pinagsamang teksto ni Origen (ikalimang kolumna) ay kadalasang kinopya na kalaunan ay walang mga marka ng pagbabago at ang mas matandang hindi pinagsamang teksto ng LXX ay napabayaan. Kaya ang pinagsamang tekstong ito ay naging unang pangunahing recension na Kristiyano ng LXX na tinatawag na Hexaplar recension. Sa siglo pagkatapos ni Origen, ang dalawang iba pang mga pangunahing recension ay natukoy ni Jerome na itinuro ito kay Lucian at Hesychius.[2]
Mga manuskrito
Ang pinakalumang mga manuskrito ng LXX ay kinabibilangan ng ika-2 siglo BCE mga pragmento ng Aklat ng Levitico at Deuteronomio (Rahlfs nos. 801, 819, and 957), at ika-1 siglo BCE mga pragmento ng Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng mga Bilang, Deuteronomio at mga Maliit na Propeta (Alfred Rahlfs nos. 802, 803, 805, 848, 942, and 943). Ang relatibong mga kumpletong manuskrito ng LXX ay nagbibigay ng kalaunang petsa sa Hexaplar rescension at kinabibilangan ng Codex Vaticanus mula sa ika-4 siglo CE at ang Codex Alexandrinus ng ika-5 siglo CE. Ito ay tunay na pinakalumang mga umiiral na halos kumpletong manuskrito ng Lumang Tipan sa anumang wika. Ang pinakalumang umiiral na kumpletong mga tekstong Hebreo ay may petsang mga kalaunan ng 600 taon mula sa unang kalahati ng ika-10 siglo CE.[10][22] Ang ika-4 siglong CE na Codex Sinaiticus ay parsiyal ring umiiral na naglalaman ng maraming teksto ng Lumang Tipan.[23] Bagaman may mga pagkakaiba sa pagitan ng tatlong mga codex na ito, ang kasunduan ng mga skolar sa kasalukuyan ay ang LXX na orihinal na bago ang saling Kristiyano ay sumasalig sa lahat ng tatlo. Ang iba't ibang mga pagbabagong Hudyo at Kristiyano ay malaking responsable sa pagkakaiba ng mga codex.[2]
Mga pagkakaiba Sepptuagint mula sa Latinong Vulgata at tekstong Masoretiko
Ang mga pinagkunan sa maraming mga pagkakaiba sa pagitan ng Septuagint, Latinong Vulgata at Masoretiko ay matagal nang tinatalakay ng mga skolar. Ang pananaw na tinatanggap ng mga skolar ngayon ay ang orihinal na Septuagint ay nagbibigay ng salin ng sinaunang bariantong tekstuwal (textual variant) ng Hebreo na iba sa ninuno ng Hebreong Masoretiko gayundin din ng Latinong Vulgata kung saan ang parehong huling ito ay tila may mas magkatulad sa ninunong tekstuwal. Ang mga pagkakaiba ng LXX at Masoretiko (MT) ay nahuhulog sa apat na mga kategorya:[24]
Pagkakaiba ng mga sangguniang Hebreo para sa MT at LXX. Ang ebidensiya nito ay matatagpuan sa kabuuan ng Lumang Tipan. Ang pinakahalata ang pangunahing mga pagkakaiba sa Aklat ni Jeremias at Aklat ni Job kung saan ang LXX ay mas maikli at ang mga kabanata nito ay lumilitaw sa ibang pagkakasunod kesa sa MT at sa Aklat ni Esther kung saan ang halos isa't kalahati ng mga talata sa LXX ay walang paralelo (pagkakatugma) sa MT. Ang isang tagong halimbawa ay matatagpuan sa Aklat ni Isaias 36.11. Ang kahulugan ay sa huli nananatiling pareho ngunit ang pagpili ng mga salita ay nagbibigay ebidensiya sa ibang teksto. Ang MT ay mababasang "...al tedaber yehudit be-'ozne ha`am al ha-homa" [huwag salitan ang wikang Judean sa mga tenga ng (o-na maririnig ng) mga tao sa pader]. Ang parehong talata sa LXX ay mababasa ayon sa salin ni Brenton na "and speak not to us in the Jewish tongue: and wherefore speakest thou in the ears of the men on the wall." (at huwag salitain sa amin sa dilang Hudyo: at kaya salitain mo sa mga tenga ng mga lalake sa pader). Ang MT ay mababasang "people" (mga tao) kung saan sa LXX ay mababasang "men" (mga lalake). Sa pagkakatuklas ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat, ang mga tekstuwal na bariantong Hebreo ng Bibliya ay natagpuan. Ang katunayan ang talatang ito ay matatagpuan sa Qumran (1QIsaa) kung saan ang salitang Hebreo na "haanashim" (ang mga lalake) ay matatagpuan sa lugar ng "haam" (ang mga tao). Ang pagkakatuklas na ito at ng iba pang katulad nito ay nagpapakitang kahit tila maliit na pagkakaiba ng mga salin ay maaaring resulta ng pinagkunang tekstong bariantong Hebreo.
Mga halimbawa ng pagkakaiba ng Griyegong Septuagint mula sa Hebreong Tekstong Masoretiko ng mga Hudyo
Awit 8:5, "Ginawa mo siyang mas mababa kesa sa mga anghel" (Ginamit sa Hebreo 2:7 tungkol kay Hesus) (isinaling "mga anghel" sa KJV at NIV)
Awit 8:5, "Ginawa mo siyang mas mababa kesa sa mga Diyos(Elohim)" (isinaling "Diyos" sa RSV at NASB)
Awit 40:6, " Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo" (Ginamit sa Hebreo 10:5)
Awit 40:6, "Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't ang aking tainga ay iyong tinagos"
Awit 16:10, "Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Hades; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makita ang libingan." (Ginamit sa Gawa 2:27, isinaling Impiyerno sa KJV)
Awit 16:10, "Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol(libingan); ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ang libingan."
Awit 22:16 "Sapagka't niligid ako ng mga aso:Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; Binutasan(oruxsan) nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa." (Ang Awit 22:18 ay pinakahulugan sa Juan 19:24 na katuparan kay Hesus)
Awit 22:16, "Sapagka't niligid ako ng mga aso: Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; Tulad ng isang leon(ka’ari) ang aking mga kamay at ang aking mga paa."
Genesis 47:31, Kanyang sinabi, “Sumumpa ka sa akin;” at sumumpa siya sa kanya. At yumuko si Israel sa kanyang tungkod. (Ginamit sa Hebreo 11:21)
Genesis 47:31, Kanyang sinabi, “Sumumpa ka sa akin;” at sumumpa siya sa kanya. At yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan.
Genesis 5:3, " Nabuhay si Adan ng dalawang daan at tatlumpung taon(230), at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set.
Genesis 5:3, " Nabuhay si Adan ng isandaan at tatlumpung taon(130), at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set."
Genesis 5:6, "At nabuhay si Set ng dalawang daan at limang taon(205) at naging anak niya si Enos."
Genesis 5:6, "At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon(105) at naging anak niya si Enos."
Genesis 5:28, " At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't walong taon(188), at nagkaanak ng isang lalake:."
Genesis 5:28, " At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon(182), at nagkaanak ng isang lalake:"
Genesis 5:31, "At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at limampu't tatlong taon(753): at namatay.."
Genesis 5:28, "At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon(777): at namatay."
Exodo 13:18, " Kundi pinatnubayan ng Diyos ang bayan sa palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat Pula : at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Ehipto.."
Exodo 13:18, " Kundi pinatnubayan ng Diyos ang bayan sa palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat ng Caña(Yam Suph o Reed Sea): at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Ehipto.."
Isaias 7:14 "Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang birhen (Parthenos) ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel." (Ginamit ang salitang Parthenos sa Mateo 1:23)
Isaias 7:14, "Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga (Almah) ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.."
Zecarias 9:9: " Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Zion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno at sa isang batang asno." Ayon sa Juan 12:15, ("Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.") Ayon naman sa Mateo 21:4-5(Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Sabihin ninyo sa anak na babae ng Zion:Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, na maamo, at nakasakay sa isang asno, at sa isang batang asno na anak ng babaeng asno.) Ayon naman sa Marcos 11:2-7, ang sinakyan ni Hesus ay isang batang asno.
Zecarias 9:9 " Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Zion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae."
Isaias 40:3 "Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Diyos." Ayon sa Juan 1:22-23(Sinabi nga nila sa kaniya(Juan Bautista), Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.)
Isaias 40:3, "Ang isang tinig ay sumisigaw, 'Sa ilang, ihanda niyo ang daan ng Panginoonm sa isang lansangan para sa ating Panginoon'"
Isaias 29:13 "At sinabi ng Panginoon, Ang bayang ito ay lumapit sa akin gamit ang kanilang bibig at pinapapurihan ako ng kanilang mga labi datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao."(Ginamit sa Marcos 7:6-7 at Mateo 15:7-9)
Isaias 29:13, "At sinabi ng Panginoon, Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila:"
Mga pagkakaiba sa interpretasyon na nagmumula sa parehong tekstong Hebreo. Ang halimbawa nito ang Aklat ng Genesis 4.7.
Mga pagkakaiba bilang resulta ng mga isyung saling idiomatiko (i.e. ang isang idiomang Hebreo ay maaring hindi madaling maisalin sa Griyego kaya ang ilang pagkakaiba na intensiyonal o hindi intensiyonal ay naipasa). Halimbawa, sa Aklat ng mga Awit 47:10, ang MT ay mababasang "The shields of the earth belong to God" (Ang mga kalasag ng mundo ay nabibilang sa diyos). Ang LXX ay mababasang "To God are the mighty ones of the earth." (sa diyos ang mga makapangyarihan ng mundo). Ang metaphor na "shields" ay walang labis na saysay sa isang tagapagsalitang Griyego, kaya ang "mighty ones" ay inihalili upang mapanatili ang orihinal na kahulugan.
Mga pagbabago ng transmisyon sa Hebreo o Griyego (Nagkakaibang mga pagbabagong rebisyonaryo/recensional at mga pagkakamali ng mga kumokopya nito)
Aklat ni Jeremias
Ang Aklat ni Jeremias sa Septuagint ay mas maikli kaysa sa Tekstong Masoretiko at may pagkakaiba sa pagkakasunod ng mga talata. Ang talata sa Septuagint na hindi matatagpuan sa Masoretiko ang: 8:10-12; 10:6-8,10; 11:7-8; 17:1-4; 29:16-20; 30:10-11; 33:14-26; 39:4-13; 48:45-46; 51:44d-49a; 52:2-3,27c-30.[25]
Mga iskrolyo ng Patay na Dagat
Ang mga manuskritong natagpuan sa Qumran na tinatawag na Mga skrolyo ng Patay na Dagat (Dead Sea Scrolls o DSS) ay nagtulak sa mga paghahambing ng iba't ibang mga tekstong nauugnay sa Bibliyang Hebreo kabilang ang Septuagint.[26][27] Tinukoy ni Emanuel Tov, na hepeng editor ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat[28] ang limang malawak na mga kategorya ng bariasyon ng mga teksto ng DSS:[29]
Proto-Masoretiko: Ito ay binubuo ng isang matatag na teksto at marami at natatanging mga kasunduan sa tekstong Masoretiko. Ang mga 60% ng mga skrolyo ay nahuhulog sa kategoryang ito (e.g. 1QIsa-b)
Pre-Septuagint: Ito ang mga manuskrito na may natatanging mga apinidad sa Bibliyang Griyego. Ito ay may bilang lamang ng mga 5% ng mga skrolyo halimbawa ng 4QDeut-q, 4QSam-a, and 4QJer-b, 4QJer-d. Sa karagdagan sa mga manuskritong ito, ang ilang iba pa ay nagsasalo ng natatanging mga pagbasang indbidwal sa Septuagint bagaman ang mga ito ay hindi nahuhulog sa kategoryang ito
Ang Qumran "Living Bible": Ito ang mga manuskrtio na ayon kay Tov ay kinopya ayon sa "pagsasanay Qumran" (i.e. may natatanging mahabang ortograpiya at morpolohiya), kadalasang mga pagkakamali at pagtutuwid at malayang pakikitungo sa teksto. Ang gayong mga skrolyo ay binubuo ng mga 20% ng Biblical corpus kabilang ang Great Isaiah Scroll (1QIsa-a):
Pre-Samaritan: Ito ang mga manuskritong DSS na rumiriplekta sa anyong tekstuwal na matatagpuan sa Samaritan Pentateuch bagaman ang mismong bibliyang Samaritano ay kalaunan at naglalaman ng impormasyon na hindi matatagpuan sa mga mas naunang skrolyong ito, (e.g. banal na bundo ng diyos sa Shechem kesa sa Jerusalem). Ang mga saksing Qumran na mailalarawan ng mga pagtutuwid ortograpiko at mga harmonisasyon sa mga paralelong teksto sa Pentateuch ay binubuo ng mga 5% ng mga skrolyo nito. (e.g. 4QpaleoExod-m)
Hindi nakalinya: Ito ang kategorya na hindi nagpapakita ng konsistenteng paglilinya sa anumang apat na mga uring teksto (text-types). Ang bilang nito ay mga 10% ng mga skrolyo at kinabibilangan ng 4QDeut-b, 4QDeut-c, 4QDeut-h, 4QIsa-c, and 4QDan-a.[29][30][31]
Ang mga pinagkunang teksto ay nagpapakita ng iba't ibang mga pagbasa. Halimbawa, kinumpara ni Bastiaan Van Elderen [28] ang tatlong mga bariasyon ng Deuteronomio 32.34, na huli sa Awit ni Moises[32]
Deuteronomio 32.43, Masoretiko
Deuteronomio 32.43, Qumran
Deuteronomio 32.43, Septuagint
1 Humiyaw sa ligaya, O mga bansa kasama ng kanyang bayan
2 Sapagka't ipaghihiganti niya ang dugo ng kanyang mga alagad
3 At maghihiganti sa kanyang mga kalaban
4 At lilinisin ang lupain, ang kanyang bayan.
1 Humiyaw sa ligaya, O mga kalangitan, kasama niya
2 At sambahin siya, kayong mga banal
3 Sapagka't ipaghihiganti niya ang dugo ng kanyang mga anak na lalake
4 At maghihiganti sa kanyang mga kalaban
5 At bibigyan ng kabayaran ang mga namumuhi sa kanya
6 At lilinis ang lupain ng kanyang bayan.
1 Humiyaw sa ligaya, O mga kalangitan, kasama niya
2 At ang lahat ng mga anak na lakake ng Diyos ay sambahin siya
3 Humiyaw sa ligaya, O mga bansa, kasama ng kanyang bayan
4 At hayaang ang mga anghel ng Diyos ay maging malakas sa kanya
5 Sapagka't paghihigantihan niya ang dugo ng kanyang mga anak na lalake
6 At maghihiganti at bibigyan ng katarungan ang kanyang mga kaaway
7 At bibigyan ng kabayaran ang mga namumuhi
8 At lilinisin ng Panginoon ang lupain ng kanyang bayan.
Ang Mga skrolyo ng Patay na Dagat dahil sa 5% koneksiyon nito sa Septuagint ay nagbibigay ng malaking impormasyon para sa mga skolar sa pag-aaral ng tekstong Griyego ng Bibliyang Hebreo.
Paggamit
Paggamit ng mga Hudyo
Simula noong mga ika-2 siglo CE, ang ilang mga paktor ay nagtulak sa karamihan ng mga Hudyo na talikuran ang paggamit ng LXX. Ang pinakaunang mga Kristiyanong hentil ay gumamit ng LXX dahil sa panahong ito, ito lamang ang bersiyong Griyego ng Bibliya at karamihan ay hindi makapagbasa ng Hebreo. Ang ugnayan ng LXX sa katunggaling relihiyong ng Hudaismo na Kristiyanismo na lumitaw noong unang siglo CE ay gumawa sa LXX na nakakahinala sa mata ng mga mas bagong henerasyong Hudyo at mga skolar na Hudyo.
[10] Sa halip ng LXX, ang mga Hudyo ay gumamit ng Hebreo/Aramaikong manuskritong Targum na kalunang tinipon ng mga Masorete at ang mga autoritatibong salin gaya ng Onkelos at Rabbi Yonathan ben Uziel.[33]
Marahil ang pinakamahalaga para sa LXX na nagtatangi mula sa ibang mga bersiyong Griyego ng Tanakh ay ang LXX ay nagsimulang mawalan ng sanksiyon ng mga Hudyo pagkatapos na matuklasan ang mga pagkakaiba sa pagitan nito at ng mga kontemporaryong kasulatang Hebreo .
[4] Kahit ang mga Hudyong Griyego ay hindi gumamit ng LXX at mas pinaboran ang ibang mga bersiyong Griyego ng Tanakh gaya ng salin ni Aquila ng Sinope na tila mas umaayon sa mga kontemporaryong tekstong Hebreo.[10]
Paggamit ng mga Kristiyano
Ang Sinaunang Kristiyanong iglesia ay gumamit ng mga tekstong Griyego[4] dahil ang Griyego ang lingguwa prangka ng Imperyo Romano sa panahong ito at ang wika ng iglesiang Griyego-Romano (Aramaiko ang wika ng Kristiyanismong Syriako na gumamit ng mga Targum). Ang relasyon sa pagitan ng paggamit ng mga apostol ng Lumang Tipan ng Septuagint at isang nawalang tekstong Hebreo ay komplikado. Ang Septuagint ang pangunahing pinagkunan o pinagsipian (quoted) ng mga talata ng Lumang Tipan ng mga may akda ng Bagong Tipan. Ang 300 sa 350 mga sipi ng mga talata ng Lumang Tipan sa mga aklat ng Bagong Tipan kabilang ang mga salita ni Hesus ay sinipi sa Septuagint. Ang ilan ay hindi hinango sa Septuagint. Ayon kay Jeronimo, ang Matt 2:15 at 2:23, Juan 19:37, Juan 7:38, 1 Cor. 2:9.[34] ay mga halimbawang hindi matatagpuan sa Septuagint kundi sa tekstong Hebreo. Ang Matt 2:23 ay wala rin sa kasalukuyang tekstong Masoretiko bagaman ayon kay Jeronimo ay nasa Isaias 11:1 ito.
Sa karagdagan, nang sumipi ang mga may akda ng Bagong Tipan sa mga talata ng Lumang Tipan o kung sumisipi mismo si Hesus ayon sa mga kanonikal na ebanghelyo ay malayang gumamit ng mga talata ng Septuagint na nagpapahiwatig na si Hesus o ang kanyang mga alagad ay tumuturing ritong maasahang salin ng Tanakh.[12][35][36]
Pinaniwalaan sa sinaunang simbahang Kristiyano na Septuagint ay isinalin ng mga Hudyo bago ang kapanahunan ni Hesus at ang Septuagint sa ilang mga lugar nito ay nagbibigay ng interpretasyong kristolohikal kesa sa tekstong Hebreo (sabihing sa ika-2 siglo CE). Ito ay kinuhang ebidensiya ng mga kristiyano na binago ng mga Hudyo ang tekstong Hebreo sa paraang gumawa sa mga itong hindi kristolohikal. Halimbawa si Irenaeus tungkol sa Isaias 7:14: "Ang Septuagint ay maliwanag na sumusulat ng isang birhen(sa Griyego ay parthenos) na maglilihi, samantalang ang tekstong Hebreo ayon kay Irenaeus sa panahong ito ay isinalin nina Theodotion at Aquila ng Sinope (na parehong mga akay sa Hudaismo) bilang dalaga(Sa Griyego ay neanis o sa Ingles ay maiden o young woman) na maglilihi. Sa opisyal na Bibliya ng Hudaismo at basehan ng mga modernong salin ng Bibliya ng Lumang Tipan na tinatawag Masoretiko, ang nakasulat sa Isaias 7:14 ay almah na nangangahulugang dalaga(young woman). Ayon kay Irenaeus, ginamit ng mga Ebionita ito upang angkinin na si Jose ang biolohikal na ama ni Hesus. Mula sa pananaw ni Irenaeus, ito ay purong heresiya na isinulong ng kalaunang mga pagbabagong anti-Kristiyano ng tekstong Hebro gaya ng ebidente sa mas matanda, bago ng Kristiyanong Septuagint.[37]
Nang isagawa ni Jeronimo ang pagbabago sa mga saling Vetus Latina ng Septuagint, kanyang kinumpara ang Septuagint laban sa Hebreo na umiiral sa panahong ito. Siya ay napaniwalang ang tekstong Hebreo ay mas mabuting nagpapatotoo kay Kristo sa halip na Septuagint. Siya ay kumalas sa tradisyon ng simbahan at isinalin ang karamihan ng Lumang Tipan ng kanyang Latinong Vulgata mula sa Hebreo kesa sa Griyego. Ang kanyang ginawa ay labis na binatikos ni Augustino of Hippo na kanyang kakontemporaryo. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, ang pagtanggap sa bersiyong Latino ni Jeronimo na Vulgata ay unti unting pumalit sa Vetus Latina ng Septuagint.[10]
Ang Silangang Ortodokso sa kasalukuyan ay mas pumapabor sa paggamit ng LXX bilang basehan sa pagsasalin ng Lumang Tipan sa ibang mga wika. Ang mga modernong salin (kritikal) ng Lumang Tipan ay gumagamit ng Masoretiko bilang basehan nito bagaman gumagamit rin ito ng Septuagint at ibang mga bersiyon upang muling likhain ang kahulugan ng tekstong Hebreo kung ito ay hindi maliwanag, corrupt o malabo.[10] Halimbawa sa Jerusalem Bible ay nakasaad "...tanging kung ang tekstong Masoretiko ay nagtatanghal ng hindi madadaig na mga kahirapan ay mayroong mga emendasyon o ibang mga bersiyon gaya ng...LXX ay ginagamit." [38] Ang pauna pahina ng New International Version ay nagsasaad na: "Ang mga tagasalin ay kumonsulta rin sa mas mahalagang sinaunang mga bersiyon kabilang ang Septuagint...Ang mga pagbasa sa mga bersiyon ito ay minsang sinusunod kung saan ang Masoretiko ay tila kaduda duda..."[39]
Sa pinakalumang mga kopya ng Bibliya na naglalaman ng bersiyong Septuagint ng Lumang Tipan, ang Aklat ni Daniel ay hindi ang orihinal na bersiyon ng Septuagint kundi ng Griyegong bersiyon ng Aklat ni Daniel ni Theodotion mula sa Hebreo.[41] Ang bersiyong Septuagint ng Daniel ay pinalitan ng bersiyon ni Theodotion noong ika-2 hanggang ika-3 siglo CE sa mga lugar na nagsasalita ng Griyego at noong gitna nang ika-3 siglo CE sa mga lugar na nagsasalita ng Latin.[41] Walang rekord ang kasaysayan ng dahilan para sa pagpapalit na ito. Si Jerome ay nag-ulat sa paunang pahina ng Daniel ng Vulgata na "ang bagay na ito ay nangyari lang".[41]
Ang kanonikal na Ezra-Nehemiah ay kilala sa Septuagint bilang "Esdras B", at ang 1 Esdras ay "Esdras A". Ang 1 Esdras ay isang labis na katulad na teksto sa mga aklat ng Ezra-Nehemiah at ang dalawang ito ay malawak na inakala ng mga skolar na hinango mula sa parehong orihinal na teksto. Iminungkahi ng mga skolar na ang "Esdras B" – ang kanonikal na Ezra-Nehemiah – ang bersiyon ni Theodotion ng materyal na ito at ang "Esdras A" ang bersiyon na dating nasa Septuagint sa sarili nito.[41]
↑ 2.02.12.22.3Jennifer M. Dines, The Septuagint, Michael A. Knibb, Ed., London: T&T Clark, 2004.
↑" (..) Philo bases his citations from the Bible on the Septuagint version, though he has no scruple about modifying them or citing them with much freedom. Josephus follows this translation closely.""Bible Translations - The Septuagint". JewishEncyclopedia.com. Nakuha noong 10 Pebrero 2012.
↑ 4.04.14.24.3"The translation, which shows at times a peculiar ignorance of Hebrew usage, was evidently made from a codex which differed widely in places from the text crystallized by the Masorah (..) Two things, however, rendered the Septuagint unwelcome in the long run to the Jews. Its divergence from the accepted text (afterward called the Masoretic) was too evident; and it therefore could not serve as a basis for theological discussion or for homiletic interpretation. This distrust was accentuated by the fact that it had been adopted as Sacred Scripture by the new faith [Christianity] (..) In course of time it came to be the canonical Greek Bible (..) It became part of the Bible of the Christian Church.""Bible Translations - The Septuagint". JewishEncyclopedia.com. Nakuha noong 10 Pebrero 2012.
↑ 5.05.1" (..) die griechische Bibelübersetzung, die einem innerjüdischen Bedürfnis entsprang (..) [von den] Rabbinen zuerst gerühmt (..) Später jedoch, als manche ungenaue Übertragung des hebräischen Textes in der Septuaginta und Übersetzungsfehler die Grundlage für hellenistische Irrlehren abgaben, lehte man die Septuaginta ab." Verband der Deutschen Juden (Hrsg.), neu hrsg. von Walter Homolka, Walter Jacob, Tovia Ben Chorin: Die Lehren des Judentums nach den Quellen; München, Knesebeck, 1999, Bd.3, S. 43ff
↑Mishnah Sotah 7:2-4 and 8:1 among many others discusses the law of sacredness imparted to Hebrew as apposed to Aramaic or Greek (the then lingua franca s of the Jews. Contradicted a few hundred years later when Aramaic is given the same holy language status).
↑Gilles Dorival, Marguerite Harl, and Olivier Munnich, La Bible grecque des Septante: Du judaïsme hellénistique au christianisme ancien (Paris: Cerfs, 1988), p.111
↑ 10.010.110.210.310.410.5Ernst Würthwein, The Text of the Old Testament, trans. Errol F. Rhodes, Grand Rapids, Mich.: Wm. Eerdmans, 1995.
↑"The quotations from the Old Testament found in the New are in the main taken from the Septuagint; and even where the citation is indirect the influence of this version is clearly seen.""Bible Translations - The Septuagint". JewishEncyclopedia.com. Nakuha noong 10 Pebrero 2012.
↑ 12.012.1"His quotations from Scripture, which are all taken, directly or from memory, from the Greek version, betray no familiarity with the original Hebrew text (..) Nor is there any indication in Paul's writings or arguments that he had received the rabbinical training ascribed to him by Christian writers (..)""Paul, the Apostle of the Heathen". JewishEncyclopedia.com. Nakuha noong 10 Pebrero 2012.
↑Davila, J (2008). "Aristeas to Philocrates". Summary of lecture by Davila, 11 Pebrero 1999. University of St. Andrews, School of Divinity. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Hunyo 2011.
↑J.A.L. Lee, A Lexical Study of the Septuagint Version of the Pentateuch (Septuagint and Cognate Studies, 14. Chico, CA: Scholars Press, 1983; Reprint SBL, 2006)
↑Compare Dines, who is certain only of Symmachus being a truly new version, with Würthwein, who considers only Theodotion to be a revision, and even then possibly of an earlier non-LXX version.
↑Jerome, From Jerome, Letter LXXI (404 CE), NPNF1-01. The Confessions and Letters of St. Augustin, with a Sketch of his Life and Work, Phillip Schaff, Ed.
↑Due to the practice of burying Torah scrolls invalidated for use by age, commonly after 300–400 years.
↑Laurence Shiffman, Reclaiming the Dead Sea Scrolls, p. 172
↑Note that these percentages are disputed. Other scholars credit the Proto-Masoretic texts with only 40%, and posit larger contributions from Qumran-style and non-aligned texts. The Canon Debate, McDonald & Sanders editors, 2002, chapter 6: Questions of Canon through the Dead Sea Scrolls by James C. VanderKam, page 94, citing private communication with Emanuel Tov on biblical manuscripts: Qumran scribe type c.25%, proto-Masoretic Text c. 40%, pre-Samaritan texts c.5%, texts close to the Hebrew model for the Septuagint c.5% and nonaligned c.25%.
↑Greek-speaking Judaism (see also Hellenistic Judaism), survived, however, on a smaller scale into the medieval period. Cf. Natalio Fernández Marcos, The Septuagint in Context: Introduction to the Greek Bible, Leiden: Brill, 2000.
↑H. B. Swete, An Introduction to the Old Testament in Greek, revised by R.R. Ottley, 1914; reprint, Peabody, Mass.: Hendrickson, 1989.
↑"The quotations from the Old Testament found in the New are in the main taken from the Septuagint; and even where the citation is indirect the influence of this version is clearly seen (..)""Bible Translations - The Septuagint". JewishEncyclopedia.com. Nakuha noong 10 Pebrero 2012.
Artikel ini perlu diwikifikasi agar memenuhi standar kualitas Wikipedia. Anda dapat memberikan bantuan berupa penambahan pranala dalam, atau dengan merapikan tata letak dari artikel ini. Untuk keterangan lebih lanjut, klik [tampil] di bagian kanan. Mengganti markah HTML dengan markah wiki bila dimungkinkan. Tambahkan pranala wiki. Bila dirasa perlu, buatlah pautan ke artikel wiki lainnya dengan cara menambahkan [[ dan ]] pada kata yang bersangkutan (lihat WP:LINK untuk keterangan lebih lanjut...
Untuk kegunaan lain, lihat Cilandak dan Cilandak. Koordinat: 6°17′29″S 106°47′28″E / 6.2915°S 106.7910°E / -6.2915; 106.7910 CilandakKecamatanPeta lokasi Kecamatan CilandakNegara IndonesiaProvinsiDKI JakartaKota AdministrasiJakarta SelatanPemerintahan • CamatSayid Ali (Pelaksana harian)[1]Populasi • Total- jiwaKode Kemendagri31.74.06 Kode BPS3171030 Desa/kelurahan5 Cilandak adalah sebuah kecamatan di Jakarta Selatan, Ind...
Dewan Perwakilan Rakyat DaerahKota Bekasi ᮓᮦᮝᮔ᮪ ᮕᮀᮝᮊᮤᮜ᮪ ᮛᮠᮚᮒ᮪ ᮓᮆᮛᮂ ᮊᮧᮒ ᮘᮨᮊᮞᮤDéwan Pangwakil Rahayat Daérah Kota BekasiDewan Perwakilan RakyatKota Bekasi2019-2024JenisJenisUnikameral SejarahSesi baru dimulai5 Agustus 2019PimpinanKetuaH. M. Saifuddaulah, S.H., M.H., M.Pd.I. (PKS) sejak 6 April 2022 Wakil Ketua IAnim Imamuddin, S.E., M.M. (PDI-P) sejak 30 September 2019 Wakil Ketua IIH. Edi, S.Sos.I. (Golkar) sejak 30 Septem...
Santa Cruz beralih ke halaman ini. Untuk kegunaan lain, lihat Santa Cruz (disambiguasi). Pemandangan kota Santa Cruz de la Sierra Santa Cruz de la Sierra atau lebih dikenal dengan Santa Cruz merupakan sebuah kota di Bolivia dan juga kota terbesar di negara itu. Kota ini letaknya di bagian tengah, di departemen Santa Cruz. Pada tahun 2006, kota ini memiliki jumlah penduduk sebanyak 1.528.683 jiwa dan memiliki luas wilayah 325,57 km². Kota ini memiliki angka kepadatan penduduk 4.215,24 ji...
Keuskupan BuffaloDioecesis BuffalensisKatolik LokasiNegara Amerika SerikatWilayahNew York Barat (Erie, Niagara, Genesee, Orleans, Chautauqua, Wyoming, Cattauraugus, dan Allegany, New York)Provinsi gerejawiKeuskupan Agung New YorkKantor pusat795 Main StreetBuffalo, New York14203StatistikLuas16.511 km2 (6.375 sq mi)Populasi- Total- Katolik(per 2012)1.632.000721,000 (44.2%)Paroki164InformasiDenominasiKatolik RomaRitusRitus RomaPendirian23 April 1847; 176 t...
PrealpiTipico paesaggio prealpinoContinenteEuropa Stati Italia Francia Svizzera Austria Slovenia Le Prealpi (in tedesco Alpenvorland o Voralpen, in francese Préalpes, in sloveno Predalpe) sono i rilievi montuosi periferici della catena alpina, tipicamente meno alti rispetto a quelli della fascia mediana, intorno alla quale sono posti a contorno, estendendosi sia sul versante esterno (francese, svizzero, austriaco e sloveno), sia su quello interno italiano. Si dis...
2008 studio album by Hayley WestenraHayley Sings Japanese SongsStudio album by Hayley WestenraReleased23 June 2008GenreJapanese musicLabelUniversal Music GroupHayley Westenra chronology Treasure(2007) Hayley Sings Japanese Songs(2008) River of Dreams: The Very Best of Hayley Westenra(2008) Hayley Sings Japanese Songs is an album by Christchurch, New Zealand soprano Hayley Westenra. The album contains Westenra's interpretations of traditional and popular contemporary Japanese songs. S...
Chinese film production company Shanghai Pearl Studio Film and Television Technology Co., LtdNative namePearl 东方梦工厂 (Pearl Dōngfāng mèng gōngchǎng)FormerlyShanghai Oriental DreamWorks Film & Television Technology Co., Ltd. (2012–2018)Company typePrivateIndustryFilm industryFoundedAugust 6, 2012; 11 years ago (2012-08-06)[1]FounderDreamWorks AnimationChina Media CapitalShanghai Media GroupShanghai Alliance InvestmentHeadquartersXuhui District, Sha...
American football player (1916–1973) American football player Johnny DrakeNo. 2, 14Position:Fullback / HalfbackPersonal informationBorn:(1916-03-27)March 27, 1916Chicago, Illinois, U.S.Died:March 26, 1973(1973-03-26) (aged 56)Detroit, Michigan, U.S.Height:6 ft 1 in (1.85 m)Weight:213 lb (97 kg)Career informationHigh school:Bowen (Chicago)College:PurdueNFL draft:1937 / Round: 1 / Pick: 10Career history Cleveland Rams (1937–1941) Career high...
For other uses, see Suburbs (disambiguation). 2010 studio album by Arcade FireThe SuburbsStudio album by Arcade FireReleasedAugust 2, 2010 (2010-08-02)Recorded2008–2010Studio Petite Église, Farnham, Quebec Magic Shop, New York City Studio Frisson, Montreal Public Hi-Fi, Austin, Texas GenreIndie rockart rockbaroque popLength63:55LabelMergeCity SlangMercuryProducerArcade FireMarkus DravsArcade Fire chronology Neon Bible(2007) The Suburbs(2010) Reflektor(2013) Singles ...
← червень → Пн Вт Ср Чт Пт Сб Нд 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 2024 рік 24 червня — 175-й день року (176-й у високосні роки) у григоріанському календарі. До кінця року залишається 190 днів. Цей день в історії: 23 червня—24 червня—25 червня Зміс�...
Artikel ini bukan mengenai Hannibal Barca, pemimpin Kartago pada Perang Punik II. Hannibal Gisco (bahasa Punik: 𐤇𐤍𐤁𐤏𐤋, ḥnbʿl;[1] c. 295–258 SM) adalah seorang panglima militer Kartago yang menangani armada laut dan darat pada Perang Punik I melawan Romawi. Upayanya mengalami kegagalan dan kekalahannya dalam pertempuran berujung pada penggulingan dan eksekusinya. Referensi Kutipan ^ Huss (1985), hlm. 565. Daftar pustaka Huss, W...
Brazilian footballer and manager (1928–2023) This article needs additional citations for verification. Please help improve this article by adding citations to reliable sources. Unsourced material may be challenged and removed.Find sources: Rubens Minelli – news · newspapers · books · scholar · JSTOR (November 2023) (Learn how and when to remove this message) Rubens Minelli Personal informationFull name Rubens Francisco MinelliDate of birth (1928-12-1...
Language isolate spoken by Burusho people BurushaskiبُرُݸشَسکݵBurushaski written in Nastaliq style.Native toPakistan, IndiaRegionHunza, Nagar, Ghizer, Gilgit (Pakistan) and Hari Parbat, Jammu and Kashmir (India)[1]EthnicityBurushoNative speakers130,000 (2018–2020)[2]Language familyLanguage isolateDialects Burushaski (Yasin) Burushaski (Hunza-Nagar) Language codesISO 639-3bskGlottologburu1296ELPBurushaskiBurushaski is classified as Vulnerable by the UNESCO...
WWII American fighter pilot (1921–1947) Duane Willard BeesonDuane W. BeesonNickname(s)BeeBorn(1921-07-16)July 16, 1921Boise, Idaho, USDiedFebruary 13, 1947(1947-02-13) (aged 25)Walter Reed General HospitalWashington, D.C., USBuriedArlington National CemeteryAllegianceCanadaUnited StatesService/branchRoyal Canadian Air Force (1941–42)United States Army Air Forces (1942–47)Years of service1941–1947RankLieutenant ColonelUnitNo 71 Eagle Squadron4th Fighter GroupCommands held334t...
Historic district in Indiana, United States United States historic placeWashington Avenue Historic DistrictU.S. National Register of Historic PlacesU.S. Historic district Houses in the districtShow map of IndianaShow map of the United StatesLocationRoughly bounded by Madison and Grand Aves., E. Gum and Parret Sts., Evansville, IndianaCoordinates37°57′51″N 87°33′27″W / 37.96417°N 87.55750°W / 37.96417; -87.55750Built1880ArchitectMultipleArchitectural st...
Austro-German economist, pediatrician, journalist, Marxist theoretician and politician Rudolf HilferdingHilferding in 1928Minister of Finance(Weimar Republic)In office13 August 1923 – October 1923Preceded byAndreas HermesSucceeded byHans LutherIn office29 June 1928 – 21 December 1929Preceded byHeinrich KöhlerSucceeded byPaul Moldenhauer Personal detailsBorn(1877-08-10)10 August 1877Leopoldstadt, Vienna, Austria-HungaryDied11 February 1941(1941-02-11) (aged 63)Paris...
Boeing C-97 Stratofreighter Boeing C-97 „Stratofreighter“ Typ militärisches Transportflugzeug Entwurfsland Vereinigte Staaten Vereinigte Staaten Hersteller Boeing Erstflug 9. November 1944 Indienststellung 1947 Produktionszeit 1944 bis 1951 Stückzahl 77 Die Boeing C-97 Stratofreighter (deutsch: Stratosphärenfrachter), auch Boeing 367, war ein ab 1944 gebautes militärisches Langstrecken-Transportflugzeug aus US-amerikanischer Produktion, ausgelegt als viermotoriges Propellerflugz...