In the beginning God created the heaven and the earth. And the earth was without form, and void; and darkness was upon the face of the deep. And the Spirit of God moved upon the face of the waters. And God said, Let there be light: and there was light.
Ang King James Version (KJV), Authorized Version (AV) o King James Bible (KJB) (o Saling Haring Jacobo) ay isa sa mga Saling Ingles ng Bibliya na isinalin ng Iglesia ng Inglatera na nagsimula noong 1604 at nailimbag noong 1611.
Ang Bagong Tipan ay isinalin sa Ingles mula sa Textus Receptus (Tinanggap na Kasulatan) ng mga Tekstong Griyego. Ang Textus Receptus ay base sa mga manuskritong Byzantine na binubuo ng mga manuskrito ng Griyegong Bagong Tipan na pinakabago. Ang mga bagong salin ng Bagong Tipan gaya ng New International Version ay base naman sa Novum Testamentum Graece na base sa Alexandrian na pinakamatandang manuskrito. Ang Novum Testamentum Graece at hindi ang Textus Receptus ang itinuturing ng mga iskolar ng Bibliya na pinakamalapit sa Griyego ng Lumang Tipan.