Aklat ni Enoch

Ang Aklat ni Enoch (o 1 Enoch)[1] ay isang sinaunang kasulatang panrelihiyon na Hudyo na tradisyonal na itinuturo kay Enoch na lolo sa tuhod ni Noe. Ito ay hindi bahagi ng kanon ng Hudaismo maliban sa Beta Israel. Ito ay tinuturing na kanon sa Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo ngunit hindi sa ibang mga pangkat na Kristiyano. Ang mas matandang mga seksiyon (pangunahin sa Aklat ng mga Tagamasid) ay tinatayang mula 300 BCE at ang pinakahuling bahagi (Aklat ng mga Talinghaga) ay malamang na nilikha sa wakas ng unang siglo BCE.[2] Ito ay buong umiiral sa wikang Ge'ez na may mga pragmentong Aramaiko mula sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat at ilang mga pragmentong Griyego at Latin. Dahil dito at iba pang mga dahilan, ang tradisyonal na pananaw na Etiopiano ay ang orihinal na akda ay Ge'ez samantalang ang mga hindi-Etiopianong skolar ay naniniwalang ito ay unang isinulat sa Aramaiko o Hebreo. Iminungkahi ni E. Isaac na ang Aklat ni Enoch tulad ng Aklat ni Daniel ay parsiyal na nilikha sa Aramaiko at parsiyal sa Hebreo.[3]:6 Ang isang maikling seksiyon ng 1 Enoch 1:9 ay sinipi sa Sulat ni Judas 1:14-15. Ikinatwirang ang mga may akda ng Bagong Tipan ay pamilyar sa nilalaman ng kuwento at naimpluwensiyahan nito.[4]

Mga nilalaman

Ang unang bahagi ng Aklat ni Enoch ay naglalarawan ng pagkahulog ng Mga Tagamasid na mga anghel na mga ama ng Nephilim. Ang natitira ng naglalarawan ng mga pagdalaw ni Enoch sa langit sa anyo ng mga paglalakbay, mga pangitain at mga panaginip at kanyang mga pahayag. Ang aklat ay binubuo ng mga pangunahing seksiyon:

  • Ang Aklat ng mga Tagamasid (1 Enoch 1 – 36)
  • Ang Aklat ng mga Talinghaga ni Enoch (1 Enoch 37 – 71) (o Mga Similitudo ni Enoch)
  • Ang Aklat na Astronomikal (1 Enoch 72 – 82) (o Aklat ng mga Makalangit na Luminaryo o Aklat ng mga Luminaryo)
  • Ang Aklat ng mga Pangitain ng Panaginip (1 Enoch 83 – 90) (o Aklat ng mga Panaginip)
  • Ang Sulat ni Enoch (1 Enoch 91 – 108)

Ang karamihan ng mga skolar ay naniniwala na ang mga limang seksiyon na ito ay orihinal na mga akdang independiyente (na may mga iba't ibang mga petsa ng komposisyon) at ang mga ito ay produkto ng isang karamihang pagsasaayos na editoryal at kalaunan lamang ang redaksiyon sa tinatawag ngayong 1 Enoch.[5] Iminungkahi ni Józef Milik na ang Aklat ng mga Higante na natagpuan sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay dapat bahagi ng koleksiyon na lumilitaw pagkatapos ng Aklat ng mga Tagamasid sa lugar ng Aklat ng mga Talinghaga. Gayunpaman, ang teoriyang ito ay hindi malawak na tinanggap.

Pagsipi ng Sulat ni Hudas

Ayon sa Sulat ni Judas 1:14-15:

At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoch, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga libo-libong banal, Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang hatulan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.

Ayon sa Aklat ni Enoch  1:9, translated from the Ethiopic (found also in Qumran scroll 4Q204=4QEnochc ar, col I 16–18):[6] [7]

Narito! Siya ay dumating kasama ang sampung libong mga banal upang isagawa ang paghuhukom sa lahat at wasakin ang lahat ng masasama at hatulan ang lahat ng laham ng laht ng gawa ng kanilang ginawang kasamaan na kanilang ginawang masama at ang lahat ng mabibigat na mga bagay na sinalita laban sa kanya ng mga masasasama.

Ihambing ito sa maaaring ang orihinal na sanggunian ng 1 Enoch 1:9 sa Aklat ng Deuteronomio 33:2: "Siya ay dumarating kasama ng sampung libong mga banal" sa Tekstong Masoretiko ay אָתָא = ερκεται samantalang sa tatlong Targum, Syriac at Vulgata ay mababasa ang אִתֹּה, = μετ αυτου. Dito, ang Septuagint ay buong iba at ang pagbasang אתא ay kinikilalang orihinal. Ang may akda ng 1-5 ay gumamit ng tekstong Hebreo.[8][9][10] Ang tekstong Griyego ay hindi karaniwan sa pagsasabing "Si Enoch na ikapito mula kay Adan ay humula na kasong dative at hindi ng (kasong henitibo) ng mga tao. Ang pagsasabi sa Sulat ni Hudas na si Enoch ay ikapito mula kay Adan ay maaaring kinuha sa sa 1 Enoch (1 En 60:8, Jude 1:14a) and not from Genesis.[11] Ayon naman sa Aklat ng Genesis 5:3-18, 1 Kronika 1:1-2, at Ebanghelyo ni Lucas 3:37-38, si Enoch ay ikaanim mula kay Adan.

Mga sanggunian

  1. There are two other books named "Enoch": 2 Enoch, surviving only in Old Slavonic (Eng. trans. by R. H. Charles 1896) and 3 Enoch (surviving in Hebrew, c. 5th to 6th century CE).
  2. Fahlbusch E., Bromiley G.W. The Encyclopedia of Christianity: P–Sh page 411, ISBN 0-8028-2416-1 (2004)
  3. E Isaac, in Old Testament Pseudepigrapha, ed. Charlesworth, Doubleday, 1983
  4. Cheyne and Black Encyclopedia Biblica 1899 "Apocalyptic Literature" (column 220), http://en.wikisource.org/wiki/Encyclopaedia_Biblica/Apocalyptic_Literature#II._The_Book_of_Enoch Naka-arkibo 2013-01-05 sa Wayback Machine.. "The Book of Enoch as translated into Ethiopic belongs to the last two centuries B.C. All the writers of the NT were familiar with it and were more or less influenced by it in thought"
  5. Vanderkam, JC. (2004). 1 Enoch: A New Translation. Minneapolis:Fortress. pp. 1ff (ie. preface summary).; Nickelsburg, GW. (2004). 1 Enoch: A Commentary. Minneapolis:Fortress. pp. 7–8.
  6. intertextual.bible/text/1-enoch-1.9-jude-1.14
  7. Clontz, TE; Clontz, J (2008), The Comprehensive New Testament with complete textual variant mapping and references for the Dead Sea Scrolls, Philo, Josephus, Nag Hammadi Library, Pseudepigrapha, Apocrypha, Plato, Egyptian Book of the Dead, Talmud, Old Testament, Patristic Writings, Dhammapada, Tacitus, Epic of Gilgamesh, Cornerstone, p. 711, ISBN 978-0-9778737-1-5.
  8. R.H. Charles, The Book of Enoch London 1912, p. lviii
  9. "We may note especially that 1:1, 3–4, 9 allude unmistakably to Deuteronomy 33:1–2 (along with other passages in the Hebrew Bible), implying that the author, like some other Jewish writers, read Deuteronomy 33–34, the last words of Moses in the Torah, as prophecy of the future history of Israel, and 33:2 as referring to the eschatological theophany of God as judge". Richard Bauckham, The Jewish world around the New Testament: collected essays. 1999 p. 276
  10. "The introduction... picks up various biblical passages and re-interprets them, applying them to Enoch. Two passages are central to it The first is Deuteronomy 33:1 ... the second is Numbers 24:3–4 Michael E. Stone Selected studies in pseudepigrapha and apocrypha with special reference to the Armenian Tradition (Studia in Veteris Testamenti Pseudepigrapha No 9) p. 422.
  11. Nickelsburg, 1 Enoch, Fortress, 2001