Ang Thamphthis ang helenisadong pangalan ng paraon ng Ikaapat na dinastiya ng Ehipto noong Lumang Kaharian ng Ehipto na maaaring namuno noong 2500 BCE na tumagal sa pagitan ng 2 at 9 na taon. Ang kanyang orihinal na pangalang Ehipsiyo ay nawala ngunit maaaring Djedefptah o Ptahdjedef ("siya ay nagtitiis tulad ni Ptah") ayon kay William C. Hayes.[2] Siya ang isa sa malabong mga pinuno ng Lumang Kaharian dahil siya ay kumpletong hindi pinatutunayan sa mga kontemporaryong sanggunian. Dahil dito, ang kanyang pigurang historikal ay masidhinng tinatalakay ng mga historyan at Ehiptologo.
Lokasi Pengunjung: 18.219.124.56