Si Thutmose I (na minsang binabasang Thothmes, Thutmosis o Tuthmosis I, na nangangahulugang Ipinanganak kay Thoth) ang ikatlong Paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto. Ibinigay sa kanya ang trono pagkatapos ng kamatayab ng nakaraang haring si Amenhotep I. Sa kanyang paghahari, malalim siyang nangampanya sa Levant at Nubia na karagdagang napalawig ng mga hangganan ng Ehipto. Nagtayo rin siya ng maraming mga templo at itinayo ang isang libingan para kanyang sarili sa Lambak ng mga Hari. Siya ang unang nakumpirmang gumawa nito bagaman si Amenhotep I ay maaaring nauna sa kanya. Siya ay hinalinhan ni kanyang anak na lalakeng si Thutmose II na hinalinhan naman ng kapatid na babae ni Thutmose II na si Hatshepsut. Ang kanyang paghahari ay pangkalahatang tinatanggap na mula 1506 hanggang 1493 BCE ngunit ang ilang mga skolar ay naniniwala na ang mga obserbasyong astrolohikal na ginamit sa pagkakalkula ng panahon ng mga rekord ng Sinaunang Ehipto at ang kanyang paghahari ay kinuha mula sa siyudad ng Memphis kesa sa Thebes at magpepetsa nito ng kanyang paghahari mula 1526 hanggang 1513 BCE.[2][3]
Mga sanggunian
- ↑ Clayton, Peter. Chronicle of the Pharaohs, Thames and Hudson Ltd, paperback 2006, p.100
- ↑ Grimal, Nicolas. A History of Ancient Egypt. p.202. Librairie Arthéme Fayard, 1988.
- ↑ Ancient Egyptian Chronology, chapter 10, Egyptian Sirius/Sothic Dates and the Question of the Sirius based Lunar Calendar, 2006 Rolf Krauss pgs. 439-457