Shoshenq VI

Si Shoshenq VI ang kahalili sa trono ni Pedubast I sa Thebes, Ehipto batay sa kanyang karera ng Manunulat ng Liham sa paraon Hor IX na nagsilbi sa ilalim ni Osorkon II at Pedubast I. Dahil ang prenomen ni Shoshenq VI ay nakasulat sa konikong puneraryo ni Hor IX, ito ay nagpapakita na si Hor IX ay nahigitan sa buhay ni Pedubast I at sa halip ay nagsagawa ng kanyang mga pagsasayos na puneral sa ilalim ni Shoshenq VI.[1] Ang kanyang prenomen o maharlikang pangalan ay 'Usermaatre Meryamun Shoshenq' na hindi karaniwan dahil ito lamang ang alam na halimbawa kung saan ang epithet na Meryamun(Minamahal ni Amun) ay lumilitaw sa loob ng isang kartusyo ng hari. [2] Ang Dakilang Saserdote ni Amun ni Shoshenq VI ay isang Takelot na unang lumitaw sa opisina sa Taong 23 ni Pedubast I. Ang taong 4 at taong 6 ni Shoshenq 4 ay pinatunayan sa isang inkripsiyong inukit sa bubong ng Templo ni Monthu sa Karnak ng isang Djedioh at sa Nile Quay Text No.25.[3] Si Shoshenq VI ay pinagpapalagay na na pangunahing katunggali ng koronang prinsipeng si Osorkon B sa Thebes pagkatapos ng kamatayan ni Pedubast I. Siya ay natalo at napatalsik mula sa kapangyarihan sa Thebes sa taong 39 ni Shoshenq III ni Prinsipe Osorkon. Sa desisibong taong ito, hayagang isinaad ni Osorkon B sa Nile Quay Text No.7 na siya at ang kanyang kapatid na lalakeng si Heneral Bakenptah ng Herakleopolis ay sumakop sa Thebes at pinatalsik ang lahat na lumaban sa kanila. [4] Mula nito, si Shoshenq VI ay hindi na kailanman napakinggang muli.

Mga sanggunian

  1. Davies & MacAdam, A Corpus of Inscribed Egyptian Funerary Cones (1957), No. 25-26
  2. David Aston, "Takeloth II: A Theban King of the 23rd Dynasty?" JEA 75 (1989), pp.139-153
  3. Aston, op. cit., pp.138-153
  4. Kenneth Kitchen, The Third Intermediate Period in Egypt c.100-650 BC (2nd edition, 1986), p.340