Siya ay orihinal na isang opiser ng hukbong Ehipsiyo at sumali sa kampanya ni paraonPsamtik II noong 592 BCE sa Nubia.[3]
Ang isang himagsikan na sumiklab sa mga katutubong sundalong Ehipsiyon ay nagbigay sa kanya ng oportunidad na sunggaban ang trono. Ang mga hukbong ito na bumalik sa hindi matagumpay na ekspedisyon sa Cyrene sa Libya ay nagsuspetsa na sila ay pinagtaksilan upang si Apries na namumunong hari ay maghari nang absoluto sa pamamagitan ng mga mersenaryong Griyego at karamihan ng mga Ehipsiyo ay nakisimpatya sa kanila. Tinagpo ni heneral Amasis ang mga ito upang puksain ang himagsikan ngunit sa halip ay hinirang na hari ng mga rebelde. Si Apries na buong nagtiwala sa kanyang mga mersenaryo ay natalo.[4] Tumakas si Apries sa mga Babilonyo at nabihag at pinatay sa pananakop sa kanyang katutubong lupain upang sakupin ito sa tulong ng hukbo ng Imperyong Neo-Babilonya.[5] Si Apries ay nilibing ng marangal sa ikatlong taon ni Amasis noong 567 BCE.[4] Pinakasalan ni si Chedebnitjerbone II na isa sa mga anak ni Apries upang maging lehitimo ang kanyang paghahari.[6]
Mga sanggunian
↑ 1.01.1Peter A. Clayton (2006). Chronicle of the Pharaohs: The Reign-By-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. p. 195. ISBN978-0-500-28628-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)