Ang Ikaapat na Dinastiya ng Sinaunang Ehipto o Dinastiyang IV ay inilalarawan bilang ang ginintuang panahon ng Lumang Kaharian ng Ehipto. Ang Dinastiyang IV ay tumagal mula ca. 2613 BCE hanggang 2494 BCE.[1] Ito ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan gayundin ang panahon na ang pakikipagkalakalan ng Ehipto sa ibang mga bansa ay nadokumento. Ang kabisera ng Sinaunang Ehipto sa panahong ito ang Memphis, Ehipto.
Mga paraon
Ang mga paraon ng Dinastiyang IV ay namuno ng tinatayang 120 taon mula ca. 2613 BCE hanggang 2494 BCE. Ang mga pangalan sa talaan ay kinuha mula kay Dodson at Hilton.[2]
Mga sanggunian