Talaan ng mga malalayang estado at teritoryong dependensiya sa Asya
Ito ang talaan ng mga malalayang estado at teritoryong dependensiya sa Asya. Bukod sa mga estadong kinikilala ng lahat (o ng isang malaking mayorya) bilang malaya, meron din ang kontinenteng ito ng mga estadong may limitadong pagkilala, mga de facto (sa katunayan) na mga estado na may halos wala o wala talagang pagkilala, at mga dependensiya ng mga estado sa Asya o sa ibang mga kontinente.
Ang isang malayang estado ay isang organisasyong politikal na may epektibong soberanya sa nasasakupan nitong populasyon na nagiging sentro ng kanilang mga desisyon para sa interes ng bansa.[1] Ayon sa Kumbensiyon sa Montevideo, dapat may permanenteng populasyon ang isang estado, isang malinaw na sakop na teritoryo, pamahalaan, at kapasidad na pumasok sa ugnayang panlabas.[2]
Mga miyembro ng Mga Nagkakaisang Bansa
May 49 na estado na nasa Asya (o mga bansang may bahagi ng kanilang teritoryo na nasa Asya) sa talaan sa baba. Lahat sila ay mga miyembro ng Mga Nagkakaisang Bansa.[3]
Maiksi at pormal na pangalan ng bansa sa Filipino[a] at Ingles[4][5][6]
Maiksi at pormal na pangalan ng bansa sa (mga) lokal na wika[4][5]
Mga estadong may limitadong pandaigdigang pagkilala
Bukod sa 49 na estadong nasa UN, may dalawa pang estado sa Asya na may limitadong pandaigdigang pagkilala: Palestina at Taiwan. Isang estadong nag-oobserba sa UN ang Palestina,[13] samantalang tinanggal ang Taiwan (opisyal na pangalan Republika ng Tsina) mula sa naturang organisasyon noong 1971 upang kilalanin ang Republikang Bayan ng Tsina bilang ang "tunay at nag-iisang Tsina".[14] Parehas silang may kontrol sa kanilang mga teritoryo. Kinikilala ng 139 estado ang Palestina,[15] samantalang 15 (kabilang ang Lungsod ng Vatican) naman ang kumikilala sa Taiwan.[14]
Maiksi at pormal na pangalan ng bansa sa Filipino[a] at Ingles
Maiksi at pormal na pangalan ng bansa sa (mga) lokal na wika
Ipinapakita sa talahanayan sa baba ang mga estado sa Asya na may kaunting pagkilala mula sa ibang mga estado. May epektibo silang kontrol sa kanilang mga teritoryo. Gayunpaman, di tulad ng Palestina o Taiwan, kaunting bilang lang ng mga estado ang tunay na kumikilala sa kanila.
Tatlo sa mga ito ay mga republikang nasa Kaukasya: Abhasya at Timog Osetya na kinilalang bahagi ng Heorhiya ng mayorya ng mga estado sa mundo, ang Artsa na kinikilalang bahagi ng Aserbayan ng mayorya ng mga estado sa mundo, at ang Hilagang Tsipre na kinikilalang bahagi ng Tsipre ng halos lahat ng mga estado ng mundo maliban lang sa Turkiya.
Nasa baba ang mga dependensiya at teritoryo ng isang estado. Sakop ng mga estadong ito ang naturang dependensiya o teritoryo, pero hindi nila ito itinuturing na bahagi ng estado nila.
Nasa baba ang mga lugar na nagsasarili ngunit sakop ng isang estado at itinuturing bilang isang bahagi nito. Di tulad ng mga rehiyong nagsasarili, ang dalawang nakalista sa baba ay may politikang hiwalay sa estado nito na napagkasunduan sa pamamagitan ng isang pandaigdigang kasunduan.
Hong Kong at Macau ang dalawang espesyal na nagsasariling lugar sa Asya. Parehas silang sakop ngayon ng Tsina bilang mga natatanging rehiyong administratibo (Ingles: special administrative region, SAR) nito. Bago ito, kolonya ang dalawang lugar ng mga bansang Europeo: Reyno Unido (Hong Kong) at Portugal (Macau). Ibinalik ng Reyno Unido ang Hong Kong sa Tsina noong Hulyo 1997, samantalang ibinalik naman ng Portugal ang Macau sa Tsina noong Disyembre 1999.
Maiksi at pormal na pangalan ng bansa sa Filipino[a] at Ingles
Maiksi at pormal na pangalan ng bansa sa (mga) lokal na wika
Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong sa Republikang Bayan ng TsinaIngles: Hong Kong Special Administrative Region of the People's Republic of China
Natatanging Rehiyong Administratibo ng Macau sa Republikang Bayan ng TsinaIngles: Macau Special Administrative Region of the People's Republic of China
Tsino: 中華人民共和國澳門特別行政區; Cantonese Yale: Jūng'wàh Yàhnmàhn Guhng'wòhgwok Oumún Dahkbiht Hàhngjingkēui Portuges: Região Administrativa Especial de Macau da República Popular da China
↑ 1.01.11.21.31.4Hango ang mga pangalan ng bansa sa wikang Filipino sa mga pangalan ng bansa sa wikang Espanyol, alinsunod sa mga opisyal na tuntunin ng Komisyon sa Wikang Filipino. Gayunpaman, maliban lang sa ilang mga bansa, ang mga nakalistang pangalan rito sa Filipino ay hindi ginagamit nang madalas sa karaniwang diskurso.
↑ 2.02.12.22.32.42.52.62.72.8Ang mga bansa ng Armenya, Aserbayan, Heorhiya, Kasakistan, Rusya, Tsipre, at Turkiye ay nasa pagitan ng kontinente ng Asya at Europa. Kinokonsidera silang bahagi ng Asya kahit na kumikiling ang mga kultura nila sa Europa. Samantala, ang mga bansa ng Ehipto at Indonesia ay nasa pagitan rin ng mga kontinente ng Aprika at Oseaniya. Nilagay ang Ehipto sa talaan na ito dahil sa Tangway ng Sinai, na nasa Asya, kahit na mas madalas na ginugrupo ito sa Aprika.
↑ 3.03.13.23.3Kabilang ang mga separatista sa mga datos sa populasyon at sukat ng isang bansang meron nito.
↑Ayon sa batas ng Israel, ang "kumpleto at buong" lungsod ng Jerusalem ay ang kabisera ng bansa. Ito rin ang itinuturing na kabisera ng Estado ng Palestina. Tingnan ang artikulong Jerusalem bilang kabisera para sa karagdagang impormasyon.
↑Bagamat opisyal na kabisera ng Malasya ang Kuala Lumpur, nasa lungsod ng Putrajaya ang pamahalaan ng bansa.
↑De facto na kabisera ng Palestina ang Ramallah. Itinuturing ng naturang estado ang lungsod ng Jerusalem (partikular na ang silangang bahagi nito) bilang ang tunay na kabisera nito. Tingnan ang artikulong Jerusalem bilang kabisera para sa karagdagang detalye.
↑Kinikilala ng Hilagang Tsipre ang lungsod ng Nicosia bilang ang tunay na kabisera nito, bagamat kontrolado lamang nila ang hilagang bahagi nito. Ang naturang lungsod ay ang kabisera din ng Republika ng Tsipre.
↑"Diplomatic Relations" [Ugnayang Panlabas]. Permanent Observer Mission of The State of Palestine to the United Nations (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-23. Nakuha noong 23 Nobyembre 2022.
↑"ISO 3166". International Organization for Standardization. 1974. Nakuha noong 2022-07-24.
↑"Oficial'naja statistika" Официальная статистика [Opisyal na estadistika]. Department of State Statistics of the Republic of Abkhazia (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-06. Nakuha noong 15 Nobyembre 2022.
↑Arslan, Muhammet Iqbal (10 Oktubre 2022). "KKTC'nin nüfusu 382 bin 836 olarak hesaplandı" [Aabot sa 382,836 ang populasyon ng TRNC [Republikang Turko ng Hilagang Tsipre]]. Anadolu Agency (sa wikang Turko). Nakuha noong 16 Nobyembre 2022.
↑"2016 Census: Christmas Island" [Senso 2016: Pulo ng Christmas] (PDF). Government of Australia (sa wikang Ingles). Department of Infrastructure and Regional Development. Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 11 Enero 2018. Nakuha noong 22 Nobyembre 2022.
↑"Key statistics of the 2021 and 2011 Population Census" [Mga pangunahing estadistika ng 2021 at 2011 senso sa populasyon] (PDF). Hong Kong Census 2021 (sa wikang Ingles). Government of Hong Kong. Nakuha noong 23 Nobyembre 2022.