Ang Kahigpunuan o soberanya (nagmula Kastilasoberaniya, mula sa Gitnang Latin na superanus 'sa itaas', 'nakahihigit'), ay may pakahulugan na "kataas-taasang kapangyarihan" o "dakilang kapangyarihan"[1] at "paghahari".[2] Ang kahigpunuan ay nangangailangan ng pamununuan sa loob ng estado, gayundin ang panlabas na awtonomiya para sa mga estado.[3] Sa anumang himansaan o estado, ang kahigpunuan ay natatalaga sa tao, kinatawan, o katatagan na may pinakamataas na karapatan sa ibang tao upang magtatag ng batas o baguhin ang mga umiiral na batas. Sa kaisipang pampulitika, ang kahigpunuan ay isang mahalagang salita na nagtatalaga ng pinakamataas na lehitimong awtoridad sa isang pangkat[4]. Sa pandaigdigang batas, ang kahigpunuan ay ang paggamit ng kapangyarihan ng isang estado. Ang kahigpunuang de jure ay tumutukoy sa pambatas na karapatang gawin ito; Ang kahigpunuang de facto ay tumutukoy sa makatotohanang kakayahang gawin ito. Ito ay maaaring maging isang paksa ng natatanging pagkabahala sa pagkabigo ng karaniwang pagaasam na ang de jure at de facto na kahigpunuan na umiiral sa lugar at panahon ng pagkabalisa, at naninirahan sa loob ng parehong katatagan.
Ang kahigpunuan ay ang kapangyarihan ng isang himansaan o estado na magpatupad ng mga batas sa kaniyang nasasakupan. Batay sa pagaaral ng palabatasan, nauunawaan ang kahigpunuan bilang ang kakayahan ng isang likas na tao (natural person) o pambatas na tao (legal person) na gumamit ng tinataglay na natatanging pambatas na pansariling pagpapasya. Ang kakayahan at kapangyarihan na ito sa pansariling pagpapasya ay maihahayag sa pamamagitan ng kasarinlan at kalayaan ng isang tao o katatagan ng mga tao, at sa gayon ay makikilalang iba mula sa kalagayan ng pagiging nasailalim ng pagpapasya ng iba. Sa agham pampulitika, ang kahigpunuan ay isang makabuluhang salita na tumutukoy sa katangian ng isang katatagan o institusyon, na nagiging ang iisang pinanggagalingan ng lahat ng kapangyarihan ng isang estado sa loob ng isang palatuntunang balangkas. Ang salita ay nilikha malapit sa kasalukuyan nitong kahulugan noong ika-16 na siglo sa doktrina ng absolutismo ng pilosopong Pranses na si Jean Bodin.
Kahulugan
Ang kahigpunuan ay pangunahing bagay ng pilosopikal na paglilining. Bagaman at tinugunan ni Platon, sa kanyang akda, ang mga paksa na may kaugnayan sa soberanya. , halimbawa na lamang Republika, partikular na tinalakay niya ang katanungan ng mga paraan ng pagkilos ng huwarang soberanya, ang "haring pilosopo", at sa Mga Batas, kung saan nasulat na ang mga mamamayan ay hindi higpuno (kyrios) kung nilalabag ang kanilang kalayaan, ang konsepto ng kahigpunuan ay unang totoong pinagnilayan at pinagisipan ni Aristoteles. Sa kanyang Politika, tinatalakay ito sa Aklat III at IV, kung saan pinag-aaralan ng pilosopo ang paggana ng Estado sa iba't ibang rehimeng pampulitika. Malinaw nitong inilalatag ang prinsipyo ng “pamamahala ng batas na dapat umabot sa lahat ng bagay”, na ibig sabihin ay ang nakahihigit ang batas sa pamamagitan ng kilos ng Estado.
Upang maitatag ang kahigpunuan ng kapangyarihang pampubliko, si Aristotle ay lumikha ng isang talaan ng mga pamantayan. Ang talaan na ito ay nagtatatag ng isang kahigpunuan (sa sinaunang Griyego : τὸ κύριον ), ibig sabihin, isang higit na kapangyarihan sa ilang lugar, depende sa likas na katangian ng mga elementong pinagsama-sama:
kahigpunuan ng batas na nagpapataw ng sarili kaugnay ng mga atas ng mga mahistrado;
kahigpunuan ng batas na nagpapataw ng sarili sa hukom;
kahigpunuan ng saligang batas sa kaugnayan nito sa mga karaniwang batas: “Ang mga batas ay dapat na pangasiwaan — at palaging pinangangasiwaan, sa katunayan — ng mga saligang batas, at hindi ang saligang batas ng iba pang mga batas. Ang Saligang Batas ay, sa katunayan, sa mga Estado, isang organisasyon ng mga kapangyarihan, inaayos ang kanilang paraan ng pamamahagi, at tinutukoy kung ano ang pinakamataas na kapangyarihan ng Estado (sa sinaunang Griyego: τὸ κύριον τῆς πολιτείας ) at kung ano ang katapusan ng bawat komunidad.
panghuli, ang kahigpunuan ng katawan na may hawak ng pinakamataas na awtoridad, ayon sa mga rehimeng politikal: “Ang konstitusyon ay ang organisasyon ng iba't ibang mahistrado ng isang Estado, at lalo na yaong nagtataglay ng pinakamataas na awtoridad sa lahat ng mga gawain; saanman, sa katunayan, hawak ng pamahalaan ang pinakamataas na awtoridad sa Lungsod, at sa katunayan, ang Konstitusyon, ito ay ang pamahalaan. Ibig kong sabihin, halimbawa, na sa mga demokratikong estado, ang mga tao ang may kapangyarihan, samantalang ito ay ang maliit na bilang sa mga oligarkiya.
Kakailanganin na hintayin si Jean Bodin upang mas pormal itong matalakay sa kanyang obra maestra na Ang Anim Na Aklat sa Republika na nailathala noong 1583. Ang karaniwang pagiisip tungkol sa kahigpunuan ay pangunahing maiimpluwensyahan din nina Hobbes, Rousseau, Hegel at Marx.
Pagsunlad
Ang kahulugan na ginagamit ngayon sa batas ay ang itinakda ni Louis Le Fur sa pagtatapos ng ika-19 na siglo: "Ang soberanya ay ang katangian ng Estado na napag-aatasan o nagpapasya lamang ayon sa sarili nitong kalooban, sa loob ng mga takda ng nakahihigit na alituntunin ng batas, at alinsunod sa kolektibong layunin kung saan ito ay tinatawag upang makamit".
Ang isang klasikong kahulugan ng kahigpunuan ay matatagpuan sa arbitral award sa Island of Palmas case (United States v. Netherlands, April 4, 1928) kung saan ang Sole Arbitrator, Max Huber, ay nagsasaad: “ Ang kahigpunuan sa mga relasyon sa pagitan ng mga Estado ay nagpapahiwatig sa kasarinlan. Ang kasarinlan hinggil sa isang bahagi ng daigdig ay ang karapatang gamitin doon, sa pagkabukod ng anumang ibang Estado, ang mga tungkulin ng isang Estado.”
Dalawang aspekto ng soberanya
Panloob na soberanya - ang pangangalaga sa sariling kalayaan.
Panlabas na soberanya - ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.
Pampolitika - ito ay kung saan idinadaan sa pagboto ang pagpili ng pinuno.
Popular - nakasalalay sa kamay ng maraming mamamayan ang kapangyarihan.
De Facto - nasa kamay lang ng iilang tao ang soberanya.
De Jure- ito ang soberanyang papalit-palit
Kasaysayan
Sinaunang Panahon
Napagmasdan ng Romanong hurado na si Ulpian na:[5]
Inilipat ng mga tao ang lahat ng kanilang imperyo at kapangyarihan sa Emperador. Sa pamamagitan ng maharlikang batas, na ipinasa hinggil sa kanyang pamahalaan, dapat ipagkaloob ng mga tao sa kanya at sa kanya ang lahat ng kanilang awtoridad at kapangyarihan (Digest 1.4.1)
Ang mga batas ay hindi nagbubuklod sa emperador. Ang prinsipe ay pinalaya ng mga batas (Digest I.3.31)
Ang desisyon ng emperador ay may bisa ng batas. Ang emperador ay may lakas. (Digest I.4.1)
Pawang ipinahahatid ni Ulpian ng kaisipan na ang Emperador ay gumamit ng isang halos ganap na anyo ng kahigpunuan na nagmula sa mga tao, bagaman hindi niya hayagang ginamit ang salita.
Gitnang Kapanahunan
Ang mga pahayag ni Ulpian ay nalalaman sa Europa noong Gitnang Panahon, at ang kahigpunuan ay isang mahalagang kaisipan noon. Ang mga monarko ay hindi higpuno, o hindi gayon lubos na makapangyarihan, sa kadahilanang sila ay nasupil at nakikibahagi ng kapangyarihan sa, kanilang pyudal na maharlika o aristokrasya. Higit pa rito, ang parehong dalawang panig ay mahigpit na napigilan ng mga sinaunang napagkaugalian. Umiral ang kahigpunuan noong panahon ng Medieval bilang mga de jure na karapatan ng maharlika at maginoo.[6]
Repormasyon
Ang kahigpunuan ay muling lumitaw bilang isang mahalagang kaisiipan noong huling bahagi ng ika-16 na siglo, isang panahon kung saan ang mga digmaang sibil ay lumikha ng isang hangarin sa bilang ng mga mamamayan para sa isang mas malakas na sentral na awtoridad nang ang mga monarka ay nagsimulang magtipon ng kapangyarihan sa kanilang sariling mga kamay sa kapinsalaan ng maharlika, at ang modernong bansang estado ay nagsimulang umusbong. Bilang pagtugon sa kaguluhan ng mga digmaan ng relihiyon sa Pransya, si Jean Bodin ay naglahad ng mga teorya ng kahigpunuan na nananawagan para sa isang malakas na sentral na pamunuan sa anyo ng ganap na monarkiya. Sa kanyang kasulatan noong 1576 na Les Six Livres de la République ("Anim na Aklat ng Republika") ay nangatuwiran si Bodin na bukal sa kalikasan ng estado na ang kahigpunuan ay dapat na:
Ganap: Sa puntong ito, sinabi niya na ang kahigpunuan ay dapat na may mga katungkulan, kailangang may kakayahan siya makapagpabatas nang walang pahintulot ng kanyang (o kanilang) mga nasasakupan, at hindi ito o siya dapat sumailalim sa mga batas ng kanyang mga naunang nanungkulan, o sa sarili nitong ipinatupad, at hindi maaari dahil ito ay hindi makatwiran na matali sa sarili niya sa mga batas.
Magpakailanman: Hindi pansamantala lamang itinalaga bilang isang malakas na pinuno sa isang panahong kagipitan o isang kawani ng estado tulad ng isang mahistrado. Pinaniniwalaan niya na ang kahigpunuan ay dapat na walang hanggan dahil ang sinumang may kapangyarihang magpatupad ng takdang panahon sa nanunungkulang kapangyarihan ay yaong nakahihigit sa namumuno na kapangyarihan, na magiging imposible kung ang namumunong kapangyarihan ay tunay na ganap.
Itinanggi ni Bodin ang paniwala ng paglilipat ng kahigpunuan mula sa mga mamamayan patungo sa pinuno (kilala rin bilang ang higpuno); ang likas na batas at banal na batas ay nagbibigay sa higpuno ng karapatang mamuno. At ang higpuno ay hindi higit sa banal na batas o likas na batas. Siya ay nasa itaas (ibig sabihin, hindi nakatali sa) nasasaad na batas lamang, iyon ay, mga batas na ginawa at ipinasasatupad ng mga tao. Binigyang-diin niya na ang isang higpuno ay dapat tiyak na sumunod sa ilang mga pangunahing panuntunan na nagmula sa mga banal na batas, likas na batas, o sa katwiran, at ang mga batas na karaniwan sa lahat ng mga bansa (jus gentium), gayundin ang mga pangunahing batas ng estado na nagtatakda kung sino ang higpuno, sino ang susunod sa higpuno, at kung ano ang nagtatakda sa hangganan ng kapangyarihan ng higpuno. Kaya, ang higpuno ni Bodin ay pinaghigpitan ng saligang batas ng estado at ng mas higit nakatataas na batas na itinuturing na may bisa sa bawat tao. Ang katotohanan na ang higpuno ay dapat sumunod sa banal at likas na batas ay nagpapataw ng mga hadlang na pang-asal at pangkatarungan sa kanya. Ipinagpalagay din ni Bodin na ang lois royales, ang mga pangunahing batas ng monarkiya ng Pransya na sumusupil tungkol na lamang sa mga bagay tulad ng paghalili, ay mga likas na batas at may bisa sa sinumang higpuno ng Pransya.
Panahon ng Kaliwanagan
Sa Panahon ng Kaliwanagan, ang ideya ng kahigpunuan ay nakakuha ng parehong pambatas at pang-asal na isig bilang ang pangunahin na Pangkanluranin na pagsasalarawan at pagpapakahulugan ng kapangyarihan ng isang Himansaan. Ang "Kasunduang Panlipunan" bilang isang mekanismo para sa pagtatatag ng kahigpunuan ay iminungkahi at, noong 1800, malawakang tinanggap, lalo na sa bagong Estados Unidos at Pransiya, kahit na sa Great Britain sa mas maliit na lawak.
Si Thomas Hobbes, sa Leviathan (1651) ay naglahad ng isang konsepto ng kahigpunuan na katulad ng kay Bodin, na nakamit lamang ang pambatas na katayuan sa "Kapayapaan ng Westphalia", ngunit sa iba't ibang dahilan. Nilikha niya ang unang modernong salaysay ng teorya ng kontratang panlipunan (o kontratista), na nangangatwiran na upang mapagtagumpayan ang "pangit, malupit at maikli" na katangian ng buhay nang walang pakikipagtulungan ng ibang tao, ang mga tao ay dapat sumali at makianib sa isang kapisanan o katatagan at magpasakop sa isang "Higpunong Kapangyarihan" na maaaring magpilit sa kanila na kumilos para sa kabutihang panlahat. Ang katwirang ito ay nakaakit sa marami sa mga unang tagapagtaguyod ng kahigpunuan. Pinalakas ni Hobbes ang kahulugan ng soberanya na lampas sa alinman sa Westphalia o kay Bodin, sa pamamagitan ng pagsasabing ito ay dapat na:
Ganap: dahil ang mga pagpapasubali ay maaari lamang ipataw sa isang higpuno kung mayroong ilang tagapamagitan sa labas upang matukoy kung kailan niya nilabag ang mga ito, kung sa gayon ang soberanya ay hindi ang huling pinakamataas na namumuno.
Hindi mahahati: Ang higpuno ang tanging huling awtoridad sa kanyang teritoryo; hindi siya nagbabahagi ng pangwakas na awtoridad sa anupamang iba. Pinaniwalaan ito ni Hobbes na totoo dahil kung hindi, walang paraan upang malutas ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng maraming awtoridad.
Kahigpunuan at Pederalismo
Dahil isang pangkat o lipunan lamang ang maaaring maging higpuno sa isang partikular na lugar at mamuno sa isang pangkat ng mga mamamayan, ang konsepto ng kahigpunuan ay ginagamit din upang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga pederal na estado at mga kompederasyon ng mga estado: Sa kaso ng mga kompederasyon ng mga estado, ang kahigpunuan ng estado ay namamalagi pa rin kasama ang mga indibidwal na estado. Kapag itinatag ang isang pederal na estado, sa kabilang banda, ang mga kasunod na estadong miyembro - tulad ng mga pederal na estado sa Germany at Austria, ang mga canton sa Switzerland o ang mga estado sa Estados Unidos- ay nagbibigay ng kanilang soberanya sa pambansang antas.
Sinipi
"Nagtatapos ang kahigpunuan ng isang bansa kung saan nagtatapos ang kapangyarihan ng sandatahan." Cornelis van Bynkershoek (1673-1743)
" 'Kahigpunuan.' Isang pamahalaan na nagsasagawa ng de facto na pamamalakad na panupil sa isang bansa at hindi napapailalim sa anumang ibang pamahalaan sa bansang iyon o isang dayuhang higpunong estado." Ang Arantzazu Mendi, Diksyonaryong Panghukom ni Stroud (1939)