Ang kalayaan sa pilosopiya ay binubuo ng kalayaan ng kalooban at ito ay salungat ng determinismo. Sa usaping politikal, ang kalayaan ay binubuo ng panlipunan at pampulitikal na kalayaan na tinatamasa ng lahat. Sa teolohiya, ang kalayaan ay kalayaan mula sa pagkalugmok sa kasalanan.
Ang modernong konsepto ng politikal na kalayaan ay nagmula sa konsepto ng mga Griyego ng kalayaan at pagkaalipin. Ang pagiging malaya, para sa mga Griyego ay ang hindi pagkakaroon ng amo at ang kakayahang mabuhay nang hindi umaasa sa kahit na sinong amo (mabuhay nang kung paano mo gustong mabuhay). Iyan ang orihinal na konspeto ng kalayaan ng mga Griyego. Ito ay malapit na maiuugnay sa konsepto ng demokrasya.
Ito ay para lang sa malalayang lalaki. Tulad na lamang sa Athena, ang mga kababaihan ay hindi maaaring bumoto o mamuno ng opisina at sila rin ay dumedepende, sa legal at panlipunang usapin, sa kanilang mga lalaking kamag-anak.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika at Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.