Tungkol sa lungsod sa lalawigan ng Jiangsu ang artikulo na ito. Para sa lungsod sa lalawigan ng Anhui, tingnan ang Suzhou, Anhui. Para sa ibang gamit, tingnan ang Suzhou (paglilinaw).
Nakaturo ang "Soochow" dito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Suchow (paglilinaw).
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists.
Ang Suzhou (Tsino: 苏州; IPA: [səu tsøʏ], pagbigkas sa Pamantayang Mandarin: [su1.t͡ʂɤ́ʊ̯]), alternatibong romanisado bilang Soochow, ay isang pangunahing lungsod sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Jiangsu ng Silangang China, sa layong humigit-kumulang 100 kilometro (62 milya) hilagang-kanluran ng Shanghai. Isa itong pangunahing sentrong ekonomiko at katumbukán ng kalakalan at komersiyo, at ito rin ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa lalawigan, kasunod ng kabisera nitong Nanjing. Ang lungsod ay matatagpuan sa ibabang abot ng Ilog Yangtze at sa pampang ng Lawa ng Tai, at nasa rehiyon ng Delta ng Ilog Yangtze. Administratibong isang antas-prepektura na lungsod ang Suzhou na may populasyong 4.33 milyong katao sa city proper nito, at kabuoang residenteng populasyon na 10.58 milyon sa pook administratibo nito (magmula noong 2013[update]).[5][6] Lumaki nang 6.5% ang populasyong urbano nito mula 2000 hanggang 2014, isa sa pinakamataas sa mga lungsod na may populasyong higit sa 5 milyong katao.[7][8]
Ang Suzhou, na itinatag noong 514BK (Bago ang kapanganakan ni Kristo), ay may higit sa 2,500 taon ng kasaysayan, kalakip ang napakaraming mga relikiya at sityong may kaugnayan sa kasaysayan. Noong mga 100PK (Pagkatapos ng kapanganakan ni Kristo), sa kasagsagan ng dinastiya ng Silangang Han, ito ay naging isa sa sampung pinakamalaking mga lungsod sa mundo dahil sa emigrasyón mula Hilagang Tsina.[9][10] Isa na itong mahalagang sentro ng komersiyo sa Tsina, simula noong dinastiyang Song ng ika-10 dantaon. Noong mga dinastiya ng Ming at Qing, isang pambansang sentrong ekonomiko, pangkalinangan, at pangkomersiyo ang Suzhou,[11] gayon din pinakamalaking lungsod na hindi kabisera sa buong mundo, hanggang sa naganap ang Himagsikang Taiping noong 1860.[12] Nang muling nakuha nina Li Hongzhang at Charles George Gordon ang lungsod pagkaraan ng tatlong taon, nakamit na ng Shanghai ang nangingibabaw na puwesto sa bansa.[13] Mula nang ilunsad ang mga pagbabago sa ekonomiya noong 1978, ang Suzhou ay naging isa sa pinakamabilis na lumalagong mga pangunahing lungsod sa mundo, na may humigit-kumulang 14% sa reyt ng paglaki ng GDP nito sa loob ng 35 mga taon.[5][14] Kalakip ng mataas na inaasahang haba ng buhay (life expectancy) at kita ng bawat tao (per capita income), ang mga panukat ng Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Suzhou ay halos maihahambing sa isang bahagyang maunlad na bansa, kaya ito ay isa sa pinakamaunlad at pinakamasaganang lungsod sa Tsina.[3]
Unang opisyal na ginamit ang pangalang "Suzhou" noong 589 PK sa panahon ng dinastiyang Sui. Ang sū (蘇 o 苏) sa pangalan nito ay kontraksiyon ng lumang pangalang Gusu. Tumutukoy ito sa shiso na isang barayti ng perilla, isang espesye ng malipukon. Ang zhou州 ay orihinal na nangangahulugang isang katulad ng lalawigan o kondado (ikompara sa Guizhou), ngunit paglaon ay malimit na ginamit sa pagpapalit-tawag na paraan para sa kabisera ng gayong rehiyon (ikompara sa Guangzhou, Hangzhou, atbp.).[19] Ang Suzhou ay Hanyu Pinyin na pagbaybay ng Putonghua na pagbigkas ng pangalang ito. Bago pinagtibay ang paggamit ng pinyin, nakilala ito sa iba't ibang mga pangalan tulad ng Soo-chow, Suchow, at Su-chow.[20][21]
Ang Suzhou ay isa sa pinakamaunlád na lungsod sa Tsina. May tuwirang kaugnayan ang pagunlad nito sa paglago ng mga karatig lungsod nito, kabilang na ang Kunshan, Taicang, Changshu, at Zhangjiagang, na kasama ang lungsod ng Suzhou ay bumubuo sa antas-prepektura na lungsod ng Suzhou. Ang antas-prepektura na lungsod ng Suzhou ay tahanan ng maraming mga kompanya sa larang ng mataas na teknolohiya.
↑"2018年苏州市国民经济和社会发展统计公报" [Statistical Communiqué of Suzhou on the 2018 National Economic and Social Development]. Suzhou Daily (sa wikang Tsino). Suzhou Municipal Government. 21 January 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 30 October 2019.
↑ 3.03.1
Calculated using data from Suzhou Statistics Bureau. Life Expectancy Index = 0.9672, Education Index = 0.8244, Income Index = 0.896. Refs:
Suzhou Bureau of Statistics (苏州市统计局). 2016年苏州市情市力(PDF). Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 14 Marso 2017. Nakuha noong 13 Marso 2017.
↑ 5.05.1Suzhou Bureau of Statistics. 2014年苏州市情市力(PDF). Inarkibo mula sa orihinal(PDF) noong 19 Abril 2014. Nakuha noong 19 Abril 2014.
↑Kasama ang kalapit na mga rehiyong naik nito at mga karatig lungsod ng Kunshan, Zhangjiagang, Taicang, at Changshu. Ang pahayag na ito ay batay sa datos mula sa lokal na pamahalaan, habang iginigiit ng isang ulat mula sa Mga Nagkakaisang Bansa (tingnan sa baba) na ang (urbanong) populasyon nito ay 5.156 milyon noong 2014.
↑Dictionary of Chinese Place-names Ancient and Modern (中国古今地名大词典, Zhongguo Gujin Diming Dacidian), p. 1438. Shanghai Lexicographical Publishing House (Shanghai), 2006. (sa Tsino)
Baynes, T. S.; Smith, W. R., mga pat. (1887), "Su-chow" , Encyclopædia Britannica, bol. 22 (ika-9th (na) edisyon), New York: Charles Scribner's Sons, p. 617.