Ang panloob na populasyong migrante mula sa ibang mga lalawigan ng Tsina sa Guangzhou ay 40% ng kabuoang populasyon ng lungsod noong 2008. Kasama ang Shanghai, Beijing at Shenzhen, ang Guangzhou ay may isa sa pinakamahal na mga pamilihan ng pag-aaring real (real estate) sa bansa.[17] Noong huling bahagi ng dekada-1990 at unang bahagi ng dekada-2000, lumipat sa Guangzhou ang mga mamamayan ng sub-Saharanong Aprika na unang tumira sa Gitnang Silangan at ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, bunsod ng naganap na krisis sa pananalapi sa Silangang Asya noong 1997/98.[18]
Dating tinuringan na tanging pantalan ng Tsina na magagamit ng maraming mga dayuhang mangangalakal, bumagsak ang Guangzhou sa kamay ng mga Briton noong Unang Digmaang Opyo. At dahil hindi na nakatatamasa ng monopolyo ang pantalang lungsod kasunod ng digmaan, napunta ang mga kalakalan nito sa ibang mga pantalan tulad ng Hong Kong at Shanghai, ngunit patuloy pa ring naglingkod ito bilang isang pangunahing entrepôt. Sa makabagong komersiyo, mas-tanyag ang Guangzhou sa taunang Canton Fair, ang pinakamatanda at pinakamalaking peryang pangkalakal sa Tsina. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taon (2013–2015), niranggo ng Forbes ang Guangzhou bilang pinakamahusay na lungsod pangkomersiyo sa kalupaang Tsina.[19]
Mga paghahating pampangasiwaan
Isang sub-probinsyal na lungsod ang Guangzhou, at mayroon itong tuwirang hurisdiksiyon sa labing-isang mga distrito:
Ag paglaki ng populasyon ay maaaring naapektuhan ng mga pagbabago sa mga dibisyong administratibo.
Sang-ayon sa Senso 2010, ang populasyon ng Guangzhou ay nasa 12.78 milyong katao. Magmula noong 2014[update], ito ay tinatayang nasa 13,080,500 katao,[2][27] 11,264,800 sa kanila ay mga residenteng urbano.[3] Ang kapal ng populasyon nito ay nasa 1,800 katao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang built-up area ng kabayanan ng Guangzhou ay tuwirang kumokonekta sa ilang mga ibang lungsod. Sumasaklaw ang built-up area ng Sonang Ekonomiko ng Delta ng Ilog Perlas sa 17,573 square kilometre (6,785 mi kuw) at tinatayang tinitirhan ito ng 22 milyong katao, kasama ang siyam na mga distritong urbano ng Guangzhou's, Shenzhen (5.36 milyon), Dongguan (3.22 milyon), Zhongshan (3.12 milyon), malaking bahagi ng Foshan (2.2 milyon), Jiangmen (1.82m), Zhuhai (890 libo), at Distrito ng Huiyang (760 libo) ng Huizhou. Ang kabuoang populasyon ng aglomerasyong ito ay higit sa 28 milyon kapag isasama ang mga populasyon ng Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Hong Kong. Ang mabilis na lumalaking ekonomiya ng lugar at mataas na pangangailangan sa paggawa ay nakapaglikha ng malaking "floating population" ng mga manggagawang migrante. Aabot sa 10 milyong mga migrante ang naninirahan sa lugar nang hindi bababa sa anim na buwan kada taon. Noong 2008, humigit-kumulang na 5 milyon sa mga palagiang residente ng Guangzhou ay mga migranteng walang hukou.[28]
↑ 3.03.1统计年鉴2014 [Statistical Yearbook 2014] (sa wikang Tsino). Statistics Bureau of Guangzhou. 7 Abril 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2009. Nakuha noong 1 Mayo 2015.
↑深圳GDP超广州,不过广州也不用慌 [The 2016 Guangzhou Municipal National Economic and Social Development Statistics Bulletin] (sa wikang Tsino). Baijiahao.baidu.com. 15 Enero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-05. Nakuha noong 2017-11-11.
↑Mensah Obeng, Mark Kwaku (2018). "Journey to the East: a study of Ghanaian migrants in Guangzhou, China". Canadian Journal of African Studies: 1–21. doi:10.1080/00083968.2018.1536557.
↑Guangzhou Bureau of Statistics (广州市统计局) (Agosto 2013). 《广州统计年鉴2013》 (sa wikang Tsino). China Statistics Print (中国统计出版社). ISBN978-7-5037-6651-0.
↑Census Office of the State Council of the People's Republic of China; Population and Employment Statistics Division of the National Bureau of Statistics of the People's Republic of China (2012). 中国2010人口普查分乡、镇、街道资料 (ika-1 (na) edisyon). Beijing: China Statistics Print. ISBN978-7-5037-6660-2.
↑广州市商业网点发展规划主报告(2003–2012)(下篇)(PDF) (sa wikang Tsino). Department of Market System Development, Ministry of Commerce of the People's Republic of China. Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 2005-11-04. Nakuha noong 2011-08-04.
↑统计年鉴2012 [Statistical Yearbook 2012] (sa wikang Tsino). Statistics Bureau of Guangzhou. Setyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-14. Nakuha noong 2013-07-09.
↑"Migrants In Guangzhou", CRIEnglish, China Radio International, 25 Enero 2008, inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016, nakuha noong 12 Marso 2013
Bretschneider, E. (1871), On the Knowledge Possessed by the Ancient Chinese of the Arabs and Arabian Colonies: And Other Western Countries, Mentioned in Chinese Books
Butel, Paul (1997), Européens et Espaces Maritimes: vers 1690-vers 1790, Par Cours Universitaires (sa wikang Pranses), Bordeaux: Bordeaux University Press
Wakeman, Frederic, Jr. (1985), The Great Enterprise: The Manchu Reconstruction of Imperial Order in Seventeenth-Century China, Berkeley: University of California Press, ISBN978-0-520-04804-1{{citation}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Wills, John E., Jr. (1998), "Relations with Maritime Europe, 1514–1662", sa Denis Twitchett; John King Fairbank; Albert Feuerwerker (mga pat.), The Cambridge History of China, bol. Vol. 8: The Ming Dynasty, 1368–1644, Pt. 2, Cambridge: Cambridge University Press, pp. 333–375, ISBN978-0-521-24333-9{{citation}}: |volume= has extra text (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Yü Ying-shih (1987), "Han Foreign Relations", The Cambridge History of China, bol. Vol. I: The Ch'in and Han Empires, 221 B.C.–A.D. 220, Cambridge: Cambridge University Press, ISBN978-0-521-24327-8{{citation}}: |volume= has extra text (tulong)
Mga kawing panlabas
May kaugnay na midya tungkol sa Guangzhou ang Wikimedia Commons.