Ang Xiangyang ay isang antas-prepektura ng lungsod sa hilaga-kanlurang lalawigan ng Hubei, Tsina at ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Hubei ayon sa populasyon. Nakilala ito bilang Xiangfan mula 1950 hanggang 2010.[2] Dumadaloy ang Ilog Han sa gitna ng sentro ng Xiangyang at hinahati ito mula hilaga-patimog. Ang mismong lungsod ay isang aglomerasyon o pagsasama ng dalawang dating hiwalay na mga lungsod: Fancheng at Xiangcheng (nakilala bilang Xiangyang bago ang taong 2010). Ang natira sa lumang Xiangyang ay nasa timog ng Ilog Han at naglalaman ng isa sa pinakamatandang mga buo pang pader ng lungsod sa Tsina, habang nasa hilaga naman ng ilog ang Fancheng. Kapuwa naglingkod ng mahalagang gampanin sa kasaysayan sa kapuwa sinauna at bago ang makabagong kasaysayang Tsino. Sa kasalukuyan, ang lungsod ay naging tudlaam ng pampamahalaan at pampribadong pamumuhunan, bilang bahagi ng pagsisikap ng bansa na paunlarin ang mga loobang lalawigan. Noong 2017, nasa 5.65 milyong katao ang populasyon ng antas-prepektura na lungsod, 3.37 milyon sa kanila ay mga urbanong residente.[3]