Ang Subic–Freeport Expressway (dinaglat na SFEX at dating tinawag na NLEX Segment 7 at Subic–Tipo Expressway) ay isang mabilisang daanan sa Gitnang Luzon, Pilipinas, na may dalawang linya at haba na 8.8 kilometro (5.5 milya). Dumadaan ito sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.
Binubuong bahagi ng Expressway 4 (E4) ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas.
Paglalarawan ng ruta
Simula sa mga Lansangang Rizal at Maritan sa kanluran, dadaan ang mabilisang daanan pahilaga sa mga latian ng dating Naval Exchange papuntang Lansangang Argonaut. Isang 230,000 boltaheng linyang transmisyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) mula sa linyang transmisyon ng Hermosa-Olongapo ay tatawid sa mabilisang daanan sa simulang dulo nito bago pumasok ng Bataan National Park. Paglapit nito sa Lansangang Argonaut, liliko ito pa-kanan at aakyat ito habang papasok ng Bataan National Park. Liliko naman ang mabilisang daanan sa direksiyong patimog-silangan pagdaan sa mga dalisdis ng kabundukan. Papasok ang mabilisang daanan sa lalawigan ng Bataan paglabas nito ng Bataan National Park, at may dalawang pook serbisyo ng Total na kinabibilangan ng isa na bago mag-checkpoint panseguridad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa mga linyang patimog at isa na malapit sa checkpoint para sa mga linyang pahilaga. Liliko ito pakanluran, at pagkatapos ay pasilangan, tatawid sa ibabaw ng isang ilog, at babalik sa naunang direksiyon. May isang daang pang-ibabaw (overpass) pagkaraang ng tulay at bago makatumbok sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx). Pagkatumbok sa SCTEx, may isang tarangkahang pambayad (toll plaza) at hihiwalay ang daan sa dalawa, ang kaliwa ay patungong Abenida Jose Abad Santos (Daang Olongapo–Gapan), habang ang kanan ay isang tarangkahang pambayad na patungong SCTEx.
Pagpapalawak
Bilang bahagi ng mga proyektong pagpapalawak at pagpapaganda ng NLEx Corporation sa mga mabilisang daanan nito, kasalukuyang pinalalawak ang mabilisang daanan upang mailaan ang isang karagdagang daanan kasama ang dalawang mga tulay at isang tunel kalinya ng mga umiiral na daanan, tulay, at tunel. Pagkatapos ng pagpapaganda ng Subic Freeport Expressway, magkakaroon ito ng dalawang mga landas sa bawat direksiyon mula sa simula nito sa SCTEx hanggang sa dulo nito sa Olongapo.[1]
Bayarin
Uri ng sasakyan
|
Bayarin
|
Class 1 (Mga sasakyan, motorsiklo, SUV, at jeepney)
|
₱/km
|
Class 2 (Mga bus, magaan na trak)
|
₱/km
|
Class 3 (Mga mabigat na trak)
|
₱/km
|
Mga labasan
Tingnan din
Mga sanggunian
Mga ugnay panlabas
|
---|
Gumagana | |
---|
Ipinapanukala | |
---|
Itinatayo | |
---|
|