Ang Santhià (Piamontes: Santià [ saŋˈtjɑ ] o Santcià [ saŋˈtʃɑ ]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Vercelli, rehiyon ng Piamonte, Hilagang Italya, na matatagpuan mga 50 kilometro (31 mi) hilagang-silangan ng Turin at mga 20 kilometro (12 mi) hilagang-kanluran ng Vercelli.
Ang Santhià ay tahanan ng isang makasaysayang karnabal na pinangalanang Carnevale Storico di Santhià, na isinasagawa mula noong ika-14 na siglo.
Mga pangunahing tanawin
Kastilyo ng Vettigné, na itinayo simula noong ika-15 siglo.
Romaniko-Neoklasikong simbahang kolehiyal ng Sant'Agata, na itinayo noong ika-11 siglo. May kasama itong ika-12 siglong Romanikong kripta.