Ang Mollia ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Vercelli, rehiyon ng Piamonte, Hilagang Italya, na matatagpuan mga 90 kilometro (56 mi) hilagang-silangan ng Turin at mga 60 kilometro (37 mi) hilagang-kanluran ng Vercelli.
Kabilang sa mga tanawin nito ay ang simbahang parokya ng San Juan Bautista, Ecomuseo ng Valsesia, at Gilingan ng Fucina.[4]
Kasaysayan
Nakamit ng maliit na bayan ng Mollia ang kalayaan mula sa bayan ng Campertogno noong 1722. Binubuo ito ng maliliit na kumpol ng mga bahay na nakatayo malapit sa mga bundok.[4]
Pamamahala
Ang alkalde ng bayan ay si Carmellino Marilena na nagsimula ng kaniyang termino noong Mayo 26, 2019[5]