Ang Casanova Elvo ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Vercelli, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) hilagang-silangan ng Turin at mga 13 kilometro (8 mi) hilagang-kanluran ng Vercelli.
Ang mga naninirahan ay puro sa kabesera ng bayan, na napapaligiran ng malawak na palayan kung saan mayroong ilang nakabukod na mga bahay-kanayunan.[4]
Sa kabila ng limitadong sukat ng munisipyo mayroong isang aktibong estasyon ng Carabinieri.[5]
Ang pangalan nito ay nagmula sa Sapa ng Elvo, na tumatawid sa munisipal na teritoryo mula kanluran hanggang silangan; ang Kanal ng Cavour ay dumadaan din sa isang maikling distansiya mula sa bayan.