Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat

Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat
National Bureau of Investigation
Ang sagisag ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat
Buod ng Ahensya
Pagkabuo13 Nobyembre 1936
Preceding agency
  • Kawanihan ng Pagsisiyasat
KapamahalaanPamahalaan ng Pilipinas
Punong himpilanAbenida Taft, Ermita, Maynila, Pilipinas
Kasabihan/mottoKadakilaan, Katapangan at Katapatang-asal... mabisang pagpapatupad ng batas sa paghagad ng katotohanan at katarungan
Tagapagpaganap ng ahensiya
Pinagmulan na ahensiyaKagawaran ng Katarungan (Pilipinas)
Websaytwww.nbi.gov.ph

Ang Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI) (Ingles: National Bureau of Investigation) ng Pilipinas ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng Katarungan na may tungkulin ukol sa paghahawak at paglulutas ng mga matitindi at pambihirang kaso na may pagkahaling ng bansa.

Kasaysayan

Itinatag ang NBI noong 13 Nobyembre 1936 sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 181 na nilikha ng mga mambabatas. Ang utak sa pagkatatag nito ay ang dating Pangulong Manuel L. Quezon at Jose Yulo, Kalihim ng Katarungan. Inatasan sa pagganap ng tungkuling ito kasabay ang pagsasaayos ng Dibisyon ng Pagsisiyasat (Division of Investigation o DI) na tinularan sa Kawanihang Pederal ng Pagsisiyasat (FBI) ng Mga Nagkakaisang Estado kina Thomas Dugan, isang batikang hepe ng pulisya mula sa Kagawarang Pulisya ng Bagong York at Flaviano C. Guerrero, ang kaisa-isang Pilipinong kasapi ng FBI.

Batay sa mahigpit na pamantayan ng anyo ng katawan, pangkaisipan, at kasanlingan, 45 katao ang napili bilang alagad mula sa 300 aplikante. Upang mabuo ukol sa mga gawaing pagsisyasat, mayroon ding mga manggawang sibilyan na binubuo ng mga manggagamot, mga kimiko, mga dalubhasa sa mga bakas ng daliri, mga potograpo, mga eskribador, at mga klerk.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapones, ang DI ay sumanib sa Kawanihan ng Rentas Internas at ang Konstabularyo ng Pilipinas na kinilala bilang Kawanihan ng Pagsisiyasat (BI). Kasunod ng kapanuhan ng paglaya pagkatapos ng digmaan, naglangap ng DI ng Hukbong Amerikano ng CIC ang lahat ng mga nahahandang alagad bilang tagapagsiyasat.

Mula't sapul, ang Kawanihan ay akalaing lumalawig ang kanyang makabuluhang tungkulin. Kaya, noong 19 Hunyo 1947, mula sa kabutihang-loob ng Batas Republika Blg. 157, ito ay isinabuo muli sa Kawanihan ng Pagsisiyasat. Kinabukasan, ito'y sinusog ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 noong 4 Oktubre 1947 na pinangalan muli sa kinilala nating Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI).

Talaan ng mga tanggapan ng NBI

Rehiyon 1

Rehiyon 2

CAR

Rehiyon 3

Rehiyon 4

Rehiyon 5

Rehiyon 6

Rehiyon 7

Rehiyon 8

Rehiyon 9

Rehiyon 10

Rehiyon 11

Rehiyon 12

Rehiyon 13

Mga Tagapamahala ng NBI

Tala ng mga tagapamahala ng NBI mula nang itinatag noong 1946:

Mga tagapamahala ng NBI
Taon ng paglilingkod Mga tagapamahala
1946-1950 Pardo de Tavera
1951 Higinio Macadaeg
1951-1954 Alberto Ramos
1954 Jose M. Crisol
1954 Leoncio Tan
1954-1966 Jose G. Lukban
1966 Serafin Fausto (Pansamantalang opisyal)
1967-1986 Jolly R. Bugarin
1986-1989 Antonio M. Carpio
1989-1992 Alfredo S. Lim
1992-1995 Epimaco A. Velasco
1995 Antonio D. Aragon
1995-1996 Mariano M. Mison
1996-1999 Santiago Y. Toledo
1999-2000 Federico M. Opinion
2000-2001 Carlos S. Caabay (Pansamantalang opisyal)
2001-2005 Hen. Reynaldo G. Wycoco
2005-kasalukuyan Abog. Nestor M. Mantaring
namatay habang naglilingkod

Kagamitan

Tingnan din

Mga panlabas na kawing