Ang Montebello della Battaglia ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Pavia, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya na matatagpuan mga 50 km sa timog ng Milan at mga 20 km sa timog ng Pavia.
Ito ay kilala sa dalawang labanan: noong 1800 ang hukbong Pranses sa ilalim ni Jean Lannes ay natalo ang isang hukbong Austriako. Noong 1859, bahagi ng Digmaang Austro-Cerdeña, ay tagumpay ng mga hukbo ng Pransiya at Saboya, muli laban sa mga Austriako.