Ang Breme (Lombardo: Bram) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Pavia, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) timog-kanluran ng Milan at mga 40 kilometro (25 mi) sa kanluran ng Pavia. Noong Disyembre 31, 2004, mayroon itong populasyon na 889 at may lawak na 19.2 square kilometre (7.4 mi kuw).[3]
Abadia ng S. Pietro mula sa ika-10 siglo (929 AD), na may mga kasunod na pagbabago. Ang kasalukuyang gusali ay itinayo noong ika-16 na siglo. Ang ibabang palapag ay ginawang maliit na museo. Sa gusaling ito, ang kripta ang tanging natitirang bahagi ng sinaunang abadia na itinayo noong ikasampung siglo; mayroon itong iba't ibang hanay na naghahati sa tatlong maliliit na nabe. Ang iba pang mga silid na maaaring puntahan ay ang monastikong kumento, ang kusina at ang bahay yelo. Ang ilang mga silid ng klaustro ay ginagamit ngayon bilang mga puwang para sa mga opisina at asosasyon.
Simbahang parokya ng S. Maria Assunta (IX-XV siglo), na may pabinyagan (VIII-X siglo). Sa Estilong Romaniko, ang -patsada ay muling hinubog sa paglipas ng panahon. Ang sinaunang pabinyagan ay matatagpuan kaagad sa likod ng simbahan at ngayon ay ginawang Kapilya ng San Barnaba, santong patron ng bayan.