Ang Castello d'Agogna ay isang maliit na bayan at comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Pavia, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 45 km timog-kanluran ng Milan at mga 35 km sa kanluran ng Pavia. Tinatawid ito ng ilog Agogna.
Noong Gitnang Kapanahunan ang nayon ay kabilang sa abadia ng Santa Croce di Mortara, at noong 1387 ito ay naging fief ng mga panginoon ng Robbio. Nang maglaon ay bahagi ito ng Dukado ng Milan. Noong 1713 ito ay naging bahagi ng Dukado ng Saboya, at noong 1859 ay kasama sa lalawigan ng Pavia.