Kasaysayan ng pag-init ng daigdig

Mga tubo ng mga pagawaang naglalabas ng mga usok.

Ang kasaysayan ng pag-init ng daigdig ay sinasabing nagsimula noong Rebolusyong Industriyal, kung saan maraming mga greenhouse gas o mga hanging-singaw na ibinubuga ng mga makabagong makinarya at mga pagawaan na nakasasama sa kapaligiran at kalikasan. Ito rin ay dahil sa kaunting pagaaral ng epekto sa pag-buga ng usok.

Klima noong ika-19 Siglo

Mula noong 1979, ang temperatura sa katihan ay tumaas ng halos dalawang beses kaysa temperatura ng karagatan (0.25 °C/dekada kontra sa 0.13 °C/dekada, Smith, 2005). Tumaas sa pagitan ng 0.12 at 0.22 °C bawat dekada ang temperatura sa kababaang tropospero mula 1979. Pinaniniwalaang panatag ang temperatura ng mundo nang mahigit isa o dalawang libong taon bago 1850 na may ilang lokal na pagbabago tulad ng Mainit na Panahong Midyebal o kaya’y Maliit na Edad Yelo.

Kasalukuyang Klima

Ayon sa tayá ng Goddard Institute for Space Studies ng NASA, 2005 ang pinakamainit na taon nang magkaroon ng mga matatatag na instrumentong paniktik sa mundo mula dakong huli ng mga taong 1800.

Nataasan nito ang nakaraang rekord na itinala noong 1998 nang may ilang daang bahagi ng isang antas-Celsius. Ang kamukhang pagtayá na ginawa ng World Meteorological Organization at ng UK Climatic Research Unit ang nagpasiya na ang 2005 ay ikalawa lamang sa pinakamaiit na taon matapos ang 1998. May mahabang perspektiba ang masusumpungan mula sa maraming proxy (di tuwiran) records nang nakaraang milenyo. Pinakamalinaw na pagtatalâ ng nakaraang 50 taon na naguulat ng pagbabago sa klima nitong kamakailan dahil napakadetalye ang mga datos. Ang sukat sa temperatura mula sa mga satellite ng tropospera ay sinimulan noong 1979.

Depende sa panahong tinitingnan, may ilang rekord ng temperatura ang masusumpungan. Kuha ito sa iba’t-ibang makukuhan impormasyon, iba’t-ibang antas ng katamaan at reliabilidad. Ang rekord sa pangmundong instrumento sa temperatura ay sinasabing nagsimula noong mga 1860; nang sinasabing ang kontaminasyon mula sa init ng mga lungsod ay maliit pa.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong 2004, kanilang tinansta na 18% hanggang 35% sa isang halimbawa nang 1,103 na mga hayop at halaman ay mawawala (extinct) sa taong 2050 kung kukuhain ang kasalukuyang tansta ng temeratura.[1]

Mga sanggunian

  1. Thomas, Chris D.; atbp. (2004-01-08). "Pagkawala dahil sa pag-init ng daigdig" (PDF). Nature. 427 (6970): 145–138. doi:10.1038/nature02121. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-06-14. Nakuha noong 2007-03-18. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong); Explicit use of et al. in: |author2= (tulong); Italic or bold markup not allowed in: |journal= (tulong)

Tingnan din