Epektong greenhouse

Isang representasyon ng palitan ng enerhiya sa pagitan ng Araw, ibabaw ng mundo, atmospera, at kalawakan. Ang kakayahan ng atmospera na makuha at mapaikot muli ang enerhiya mula sa ibabaw ng mundo ay ang nagpapakita ng epektong greenhouse.

Ang epektong greenhouse (Ingles, greenhouse effect) ay ang proseso kung saan mas malaki ang iniaambag na init sa ibabaw ng isang planeta ng radyasyon mula sa atmospera nito kumpara sa kung ang planeta ay walang atmospera.[1][2]

Kung ang atmospera ng isang planeta ay naglalaman ng mga radyatib-aktibong gas (greenhouse gas) ikakalat ng atmospera ang enerhiya sa lahat ng direksiyon. Ilang bahagi ng radyasyong ito ay mapupunta sa ibabaw ng planeta, na dahil dito ay iinit. Ang bahaging ito ng radyasyon (na maaaring isipin bilang ang lakas ng epektong greenhouse) ay nakasalalay sa temperatura ng atmospera at sa dami ng greenhouse gas dito.

Sa mundong ito, ang atmospera ay iniinit sa pamamagitan ng infrared na radyasyong termal, pag-absorb ng shorter-wavelength radiant energy mula sa araw, at mga convective na heat flux mula sa ibabaw ng lupa. Nagkakalat ng enerhiya ang mga greenhouse gas sa atmospera, kung saan ang iba ay napupunta sa mas mababang bahagi ng atmospera. Ang mekanismo na ito ay tinatawag na epektong greenhouse).[3]

Malaki ang tulong ng natural na epektong greenhouse sa mundo upang mapagpatuloy ang buhay. Subalit ang natural na penomenang ito ay napalakas ng mga gawaing-tao (tulad ng pagsusunog ng fossil fuel at deporestasyon), at ito'y naging sanhi ng global warming.[4]

Ang pangalan ng mekanismong ito ay (maling) ipinangalan sa isang greenhouse.[2][5][6]

Mga greenhouse gas

Sumusunod ay ang kontribusyon ng apat na gas sa epektong greenhouse:[7][8]

Hindi maaaring makapagbigay ng eksaktong kontribusyon ng mga gas na ito dahil ilan sa mga ito ay may overlap sa pagkuha ng enerhiya. Ang mga ulap (na binubuo ng tubig) ay isa rin sa mga pangunahing kontribyutor sa epektong greenhouse dahil kaya itong kumuha at mamigay ng radyasyong infrared.[8]

Papel sa pagbabago ng klima

Ang paglakas ng epektong greenhouse dahil sa mga gawain ng tao ay tinatawag na enhanced o anthropogenic greenhouse effect.[9] Ang pagtaas sa radiative forcing mula sa gawaing-tao ay maipagpapalagay na dulot ng mas mataas na lebel ng dioksidong karbono sa atmospera.[10]

Naglalabas ng CO2 ang pagsusunog ng fossil fuel at iba pang mga gawait tulad ng paggawa ng semento at deporestasyon.[11] Ayon sa mga sukat mula sa Mauna Loa Observatory sa Hawaii, ang konsentrasyon ng CO2 ay tumaas mula 313 parte kada milyon (ppm)[12] noong 1960 patungong 389 ppm sa 2010. Naabot nito ang 400 ppm noong 9 Mayo 2013.[13] Lahat ito ay lagpas sa pinakamataas na talang heolohikal ng CO2 (~300 ppm).[14]

Epektong greenhouse sa ibang lugar sa kalawakan

Mayroon ding epektong greenhouse sa ibang bahagi ng Solar System tulad ng sa Mars, Venus, at Titan. Ang epektong greenhouse sa Venus ay lubhang napakalaki dahil sa atmospera nitong binubuo halos ng CO2.[15] Ang nasa Titan naman ay tinatawag namang epektong anti-greenhouse, sa kadahilanang ang atmospera nito ay sumisipsip ng radyasyong solar kahit na ito ay hindi kumukuha ng radyasyong infrared.[16]

Ang pagsingaw naman ng nitroheno sa Pluto ay nagdudulot ng mas malamig na temperatura kahit ito'y kumukha ng radyasyong solar[17]

Mga sanggunian

  1. "Annex II Glossary" Naka-arkibo 2018-11-03 sa Wayback Machine.. Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "ipccar4syr" na may iba't ibang nilalaman); $2
  2. 2.0 2.1 A concise description of the greenhouse effect is given in the Intergovernmental Panel on Climate Change Fourth Assessment Report, "What is the Greenhouse Effect?" Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "ipcc-AR4WG1" na may iba't ibang nilalaman); $2
  3. Vaclav Smil (2003). The Earth's Biosphere: Evolution, Dynamics, and Change. MIT Press. p. 107. ISBN 978-0-262-69298-4. {{cite book}}: More than one of |ISBN= at |isbn= specified (tulong)
  4. IPCC AR4 WG1 (2007), Solomon, S.; Qin, D.; Manning, M.; Chen, Z.; Marquis, M.; Averyt, K.B.; Tignor, M.; Miller, H.L., eds., Climate Change 2007: The Physical Science Basis Naka-arkibo 2018-11-30 sa Wayback Machine., Contribution of Working Group I to the Fourth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change, Cambridge University Press, ISBN 978-0-521-88009-1  (pb: 978-0-521-70596-7)
  5. Schroeder, Daniel V. (2000). An introduction to thermal physics. San Francisco, California: Addison-Wesley. pp. 305–7. ISBN 0-321-27779-1. ... this mechanism is called the greenhouse effect, even though most greenhouses depend primarily on a different mechanism (namely, limiting convective cooling).
  6. Wood, R.W. (1909). "Note on the Theory of the Greenhouse". Philosophical Magazine. 17: 319–320. doi:10.1080/14786440208636602. When exposed to sunlight the temperature rose gradually to 65 °C., the enclosure covered with the salt plate keeping a little ahead of the other because it transmitted the longer waves from the Sun, which were stopped by the glass. In order to eliminate this action the sunlight was first passed through a glass plate." "it is clear that the rock-salt plate is capable of transmitting practically all of it, while the glass plate stops it entirely. This shows us that the loss of temperature of the ground by radiation is very small in comparison to the loss by convection, in other words that we gain very little from the circumstance that the radiation is trapped.
  7. "Water vapour: feedback or forcing?". RealClimate. 6 April 2005. Nakuha noong 2006-05-01.
  8. 8.0 8.1 Kiehl, J. T.; Kevin E. Trenberth (February 1997). "Earth's Annual Global Mean Energy Budget" (PDF). Bulletin of the American Meteorological Society. 78 (2): 197–208. Bibcode:1997BAMS...78..197K. doi:10.1175/1520-0477(1997)078<0197:EAGMEB>2.0.CO;2. ISSN 1520-0477. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-03-30. Nakuha noong 2006-05-01.
  9. "Enhanced greenhouse effect — Glossary". Nova. Australian Academy of Scihuman impact on the environment. 2006.
  10. "Enhanced Greenhouse Effect". Ace.mmu.ac.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-24. Nakuha noong 2010-10-15.
  11. IPCC Fourth Assessment Report, Working Group I Report "The Physical Science Basis" Naka-arkibo 2011-03-15 sa Wayback Machine. Chapter 7
  12. "Atmospheric Carbon Dioxide – Mauna Loa". NOAA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-20. Nakuha noong 2016-11-25.
  13. http://news.nationalgeographic.com/news/energy/2013/05/130510-earth-co2-milestone-400-ppm/
  14. Hansen J. (February 2005). "A slippery slope: How much global warming constitutes "dangerous anthropogenic interference"?". Climatic Change. 68 (333): 269–279. doi:10.1007/s10584-005-4135-0.
  15. McKay, C.; Pollack, J.; Courtin, R. (1991). "The greenhouse and antigreenhouse effects on Titan". Science. 253 (5024): 1118–1121. doi:10.1126/science.11538492. PMID 11538492.
  16. "Titan: Greenhouse and Anti-greenhouse :: Astrobiology Magazine - earth science - evolution distribution Origin of life universe - life beyond :: Astrobiology is study of earth". Astrobio.net. Nakuha noong 2010-10-15.
  17. "Pluto Colder Than Expected". SPACE.com. 2006-01-03. Nakuha noong 2010-10-15.