Ang mga Halaman (Latin: Plantae, Aleman: Pflanze, Ingles, Olandes: plant, Kastila, Portuges, Italyano: planta) ay isang malaking grupo ng mga nilikhang bagay na may buhay. Binubuo ito ng iba't ibang miyembro tulad ng mga puno, baging, damo at lumot. Ang mga luntiang halaman, na tinatawag rin bilang mga metaphyte, ay kumukuha ng enerhiya mula sa liwanag ng sa pamamagitan ng proseso ng photosynthesis. Ang photosynthesis ay bumubuo ng asukal, ang pangunahing pagkain ng mga halaman, mula sa tubig at carbon dioxide.
Kahulugan
Si Aristoteles ang siyang unang naghati ng mga buhay na bagay sa dalawang kaharian: ang mga hayop at mga halaman (hindi gumagalaw ngunit buhay na bagay). Sa sistema ni Linnaeus, ang mga kahariang ito ay naging Mga Kahariang Vegetabilia (Metaphyta o Plantae) at Animalia (Metazoa).
↑Haeckel G (1866). Generale Morphologie der Organismen. Berlin: Verlag von Georg Reimer. pp. vol.1: i–xxxii, 1–574, pls I–II, vol. 2: i–clx, 1–462, pls I–VIII.