Daang Hari

Daang Hari
Daang Hari Road
Las Piñas-Muntinlupa-Cavite Road
Daang Hari, pahilaga papuntang Madrigal Business Park sa may hangganan ng Las Piñas at Muntinlupa.
Impormasyon sa ruta
Haba15.1 km (9.4 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaSangandaan ng Commerce Avenue at Investment Drive sa Las Piñas-Muntinlupa
Dulo sa timog N419 (Lansangang Aguinaldo) sa Imus
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBacoor, Imus, Las Piñas, Muntinlupa
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Hari (Ingles: Daang Hari Road), na kilala din bilang Daang Las Piñas-Muntinlupa-Cavite (Las Piñas-Muntinlupa-Cavite Road o LAMUCAR),[1] ay isang pangunahing lansangang arteryal na nag-uugnay ng katimugang Kamaynilaan sa lalawigan ng Kabite sa Pilipinas. Sinasaklaw nito ang 15.1-kilometro (o 9.4-milyang) ruta mula Abenida Komersiyo sa timog ng Daang Alabang–Zapote sa mga hangganan ng Las Piñas at Muntinlupa hanggang Lansangang Aguinaldo sa katimugang Imus malapit sa hangganan nito sa Dasmariñas.

Itinayo ito noong 2003 upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa katimugang bahagi ng Kamaynilaan, lalung-lalo na sa Daang Alabang-Zapote.

Paglalarawan ng ruta

Daang Hari malapit sa Evia Lifestyle Center at palitan ng Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX)

Ang malaking bahagi ng daan ay isang lansangang apat ang mga linya at hinahatian ng panggitnang harangan sa gitna nito. Nahahati ito sa dalawang seksiyon sa pamamagitan ng Daang Reyna sa may hangganan ng Las Piñas, Muntinlupa, at Bacoor.

Abenida Komersiyo hanggang Daang Reyna

Ang hilagang dulo ng Daang Hari ay sa sangandaan nito sa Abenida Komersiyo (Commerce Avenue) sa loob ng Madrigal Business Park malapit sa Alabang Town Center kung saan isa itong tagapagpatuloy ng maikling daan na Investment Drive mula sa Daang Alabang–Zapote. Ang daan ay bumubuo sa hangganan sa pagitan ng Baranggay Ayala Alabang at Poblacion ng Muntinlupa sa silangan at Baranggay Almanza ng Las Piñas sa kanluran. Dadaan ang daan sa mga sumusunod na subdibisyon: T.S. Cruz Subdivision, Ayala Alabang, Ayala Southvale, Versailles, Katarungan Village, at Portofino Heights bago nito tumbukin ang sangandaan nito sa Daang Reyna sa Evia City. Ang kabuoang haba ng bahaging ito ay 5.9 kilometro (3.7 milya).

Daang Reyna hanggang Lansangang Aguinaldo

Mula sa sangandaan nito sa Daang Reyna, liliko nang husto ang daan pa-kanluran at dadaan sa mga nayon at subdibisyon ng Molino ng Bacoor. Pagkatapos, babagtasin nito ang Daang Molino o Daang Molino–Paliparan kung saan matatagpuan ang SM Center Molino. Pagkaraan ng ilang daang kilometro pa-kanluran mula sa Daang Molino, papasok ang Daang Hari sa Imus at dadaan sa Baranggay Pasong Buaya bago magkarating sa dulo nito sa Lansangang Aguinaldo sa Anabu malapit sa hangganan nito sa Salitran, Dasmariñas. sa sangandaang ito matatagpuan ang gusaling pamilihan ng The District. Ang kabuoang haba ay 9.2 kilometro (5.7 milya).

Daang Open Canal

Kinabibilangan ng Daang Hari ang isang karugtong sa Heneral Trias na ipinangalanang Daang Open Canal (Ingles: Open Canal Road), na kilala rin bilang Karugtong ng Daang Hari (Daang Hari Extension). Unang umiral ito bilang daanang papasok sa mga patubig na pinangasiwaan ng National Irrigation Administration (NIA). Dumadaan ito sa Lancaster New City Cavite at mga kalapit na subdibisyon at ilang mga pálayan bago matapos ito sa Lansangang Arnaldo sa barangay Pasong Camachile. Dumaraan ang Daang Open Canal bilang menor na daang pampook hanggang sa Daang Governor Ferrer.

Mga sangandaan

Mayroong kinikilalang pagbilang ng kilometro ang kabuoang Daang Hari dahil wala ito sa pangangasiwa ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH). 

RegionLalawiganLungsod/BayankmmiMga paroroonanMga nota
Kalakhang MaynilaHangganang MuntinlupaLas PiñasCommerce Avenue, Investment DriveSilangang dulo. Tutuloy pahilaga bilang Investment Drive.
Daang Reyna, E2 (Muntinlupa–Cavite Expressway)Rotonda.
CalabarzonCaviteBacoorDaang Molino–Paliparan (Pambansang Lansangan ng Bacoor–Dasmariñas)Ipinapanukala ang isang flyover
Imus N419 (Lansangang Aguinaldo)Karugtong ng Daang Hari
Cavite–Laguna ExpresswayUgnay sa palitan ng mabilisang daanan sa hinaharap.
General TriasLansangang ArnaldoKanlurang dulo. Tutuloy pakanluran bilang Open Canal Road hanggang sa Heneral Trias
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
  •       Hindi pa nagbubukas o ginagawa pa

Mga sangay

Daang Reyna

Daang Reyna
Vista Avenue
KinaroroonanLas Piñas
Haba2.0 km (1.2 mi)
Daang Reyna

Ang Daang Reyna (o Vista Avenue) ay isang 2-kilometro (o 1.2 milyang) sangay ng spur of Daang Hari na nagsisimula sa palitan ng Daang Hari - MCX malapit sa Evia. Aalis ito ng Daang Hari sa rotonda malapit sa MCX at tutuloy ito pa-timog hanggang sa isa pang rotonda sa may Abenida Victoria na papuntang Muntinlupa at San Pedro, Laguna. Isa itong daang hinahatian ng panggitnang harangan at dalawa ang mga linya sa malaking bahagi nito. Matatagpuan ang daan malapit sa hangganan ng Muntinlupa - Las Piñas at dumadaan malapit sa mga gated community tulad ng Portofino South at Amore sa Portofino, na pag-mamayari ng Vista Land.

Mga sangandaan

Ang buong ruta matatagpuan sa Las Piñas

kmmiMga paroroonanMga nota
Daang Hari, E2 (Muntinlupa–Cavite Expressway)Rotonda. Hilagang dulo.
Abenida VictoriaRotonda. Katimugang dulo.
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "Villar leads inauguration of southern link road". The Philippine Star. Nakuha noong 19 Disyembre 2013.

14°23′9″N 120°58′40″E / 14.38583°N 120.97778°E / 14.38583; 120.97778