Ang ABS-CBN DYAB Radyo Patrol 1512 AM Cebu (1512 kHz Cebu) ay ang punong himpilang AM ng ABS-CBN Corporation sa Pilipinas. Sumasahimpapawid ang himpilan mula sa ABS-CBN Broadcast Center, North Road, Jagobiao, Lungsod ng Mandaue, habang ang transmitter nito ay matatagpuan sa Brgy. Cogon Pardo, Lungsod ng Cebu. 24 oras ang pagsasahimpapawid ng DYAB maliban sa Lunes, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi hanggang 4:00 ng madaling araw, at maliban sa Semana Santa ng Bawat Taon, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi sa Huwebes Santo hanggang 4:00 ng madaling araw sa Linggo ng Pagkabuhay. Si Leo Lastimosa ang kasalukuyang tagapamahala ng himpilan.
Sa kasalukuyan, ang DYAB Radyo Patrol 1512 AM Cebu ay maituturing na isa sa mga nangungunang himpilan sa AM sa Cebu at Central Visayas at ito ay kinikilala bilang isa sa mga pinakaginawarang himpilan ng radyo sa Pilipinas mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Isinasahimpapawid din ang DYAB Radyo Patrol 1512 AM Cebu sa isang cable television sa SkyCable Cebu na pinangalanang DYAB TeleRadyo Cebu, kung saan ang studio at mga host ng mga programa nito ay makikita sa pamamagitan ng kanilang mga tagapakinig at mga manonood.
Mga personalidad ng DYAB Radyo Patrol 1512 AM Cebu