Magkahawig dito ang mga maliliit na kanang っ/ッ, na kilala bilang sokuon, ngunit mas maliit sila. Pangunahing ginagamit ang mga ito upang ipahiwatig ang pagdodoble ng katinig at karaniwang ginagamit sa dulo ng mga linya ng diyalogo sa mga gawaing kathang-isip bilang simbolo para sa impit.
Bihira ang mga anyong dakuten na づ, ヅ, na binibigkas tulad ng mga anyong dakuten ng su kana sa karamihan ng mga diyalekto (tingnan ang Yotsugana). Pangunahing ginagamit ang mga ito upang ipahiwatig ang tininigang katinig sa gitna ng tambalang salita (tingnan ang rendaku), at hindi sila maaaring magsimula ng isang salita.
Sa wikang Ainu, maaari itong isulat na may handakuten (na maaaring mailagay sa kompyuter bilang sa isang titik (ツ ゚) o dalawang pinagsamang titik (ツ ゜) upang kumatawan sa tunog [tu͍], na maaaring palitan ng katakanang ト゚.