Ang Mundong Kanluranin o Mundong Pangkanluran, kilala rin bilang Ang Kanluran at ang Oksidente (mula sa Latin na occidens "takipsilim, kanluran; na kabaligtaran ng Oryente), ay isang katagang tumutukoy sa Hilagang Amerika, Kanlurang Europa, at Gitnang Europa, pati na ang Australya at Bagong Selanda.[1] Walang napagkasunduang kahulugan hinggil sa kung ano ang pangkaraniwang katangian ng mga bansang ito para sa mayorya o karamihan ng kanilang mga populasyon.