Ang な sa hiragana o ナ sa katakana ay isa sa mga kanang Hapones na kumakatawan sa isang mora. Nabubuo ang hiraganang な sa apat na paghagod, at ang katakanang ナ sa dalawa. Kumakatawan itong dalawa sa [na]. Nagmula ang な at ナ sa man'yōganang 奈. Ginagamit ang な bilang bahagi ng okurigana para sa mga simpleng negatibong anyo ng mga pandiwang Hapones, at iilang mga negatibong anyo ng pang-uri.