Mabilis ang paglaki ng mga populasyon sa Asya. Makikita ito sa mabilis na urbanisasyon at mataas na paglaki ng mga lungsod nito. Ang lungsod ng Tokyo sa bansang Hapón ay ang pinakamalaking metropolitan area batay sa populasyon nito.
Kinuha ang populasyon ng mga sumusunod na lungsod mula sa tatlong pangunahing sanggunian:
Mga lungsod
Atlas ng Mundo
Opisyal na pambansang pagtataya
Ipinapakita sa baba nang naka-bold ang sanggunian na may pinakamataas na pagtataya. Ito ang ginagamit na basehan ng pagraranggo sa mga lungsod na nakalista sa baba.
Paalala:
Ang opisyal na estadistika para sa mga lungsod sa Tsina ay para sa mga munisipalidad na madalas nagsasama sa populasyon sa labas ng mga pamayanang urban nito (mga pamayanang rural). Kung sakaling lumalagpas ang mga estadistikang jto sa mga pagtataya, tulad ng mga kaso ng mga lungsod ng Chongqing, Wuhan, at Shenyang, hindi ito ikokonsidera.
Kasama sa populasyon ng lungsod para sa lungsod ng Shanghai ang lungsod ng Suzhou (mga bandang 100 km (62 mi) hilagang-kanluran mula sa Shanghai), na hindi isinasama sa ibang mga pagtataya o sa mga opisyal na estadistika, kaya naman, hindi rin ito ikokonsidera.
Ang populasyon ng lungsod para sa lungsod ng Guangzhou ay para sa populasyon ng pamahalaang urban ng buong lalawigan ng Guangdong, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Shenzhen, Dongguan, Zhongshan, Jiangmen, at Huizhou. Hindi pa sa ngayon ginagawang metropolitan area ang lugar kaya naman hindi rin ito ikokonsidera. Nakalista nang hiwalay ang mga populasyon ng Shenzhen at Dongguan.
Binigay ng Demographia at ng Atlas ng Mundo ang mga populasyon para sa magkakalapit na lungsod ng Quanzhou, Jinjiang at Shishi. Isinasama sa populasyon ang mga populasyon ng tatlong lungsod na ito para sa Xiamen (populasyon: 4–4.8 milyon), kaya umabot ito ng populasyon na 10 milyon. Gayunpaman, hindi talaga malapit ang Xiamen sa tatlong nabanggit na lungsod kaya naman hindi rin ito ikokonsidera.
Isinasama sa populasyon ng Delhi ang mga lungsod ng Faridabad, Ghaziabad, at Gurgaon, na hindi isinasama sa iba pang mga pagtataya o sa mga opisyal na estadistika kaya naman hindi rin ito ikokonsidera.
Isinasama sa populasyon ng Mumbai ang mga lungsod ng Bhiwandi, Kalyan, Thane, Ulhasnagar, at Vasai-Virar, na hindi isinasama sa ibang mga pagtataya o sa mga opisyal na estadistika kaya naman hindi rin ito ikokonsidera.
Nakakulay ang talahanayan sa baba para maipakita ang rehiyon ng lungsod sa Asya.
May dalawampung lungsod ang Silangang Asya sa talaan. Ang Tsina ang nangungunang bansa sa talaan, na may labinlimang lungsod. Sinundan sila ng Timog Asya na may sampung lungsod; pito sa sampung ito ay nasa India. May pitong lungsod naman dito ang nasa Timog-silangang Asya, samantang may apat na lungsod naman ang nasa Kanlurang Asya. Walang metropolitan area sa Gitna o sa Hilagang Asya ang nasa talaan.
↑"World cities in 2016: Data Booklet" [Mga lungsod ng mundo noong 2016: Data Booklet] (PDF) (sa wikang Ingles). The United Nations: Population Division. Nakuha noong 27 Oktubre 2p22. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
↑"World's Largest Cities" [Mga Pinakamalalaking Lungsod ng Mundo]. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Agosto 2017. Nakuha noong 27 Oktubre 2022.
↑Ang populasyon ng lungsod para sa lungsod ng Guangzhou ay para sa populasyon ng pamahalaang urban ng buong lalawigan ng Guangdong, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Shenzhen, Dongguan, Zhongshan, Jiangmen, at Huizhou. Hindi pa sa ngayon ginagawang metropolitan area ang lugar kaya naman hindi rin ito ikokonsidera. Nakalista nang hiwalay ang mga populasyon ng Shenzhen at Dongguan.
↑广州市2010年第六次全国人口普查主要数据公报 (sa wikang Tsino). Statistics Bureau of Guangzhou. 2011-05-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-20. Nakuha noong 2011-05-25.
↑"Basic Statistics for Mumbai". MMRDA: Mumbai Metropolitan Region Development Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-15. Nakuha noong 2009-11-07.
↑"Statistics Indonesia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-13. Nakuha noong 2010-10-13. BPS:Hari Statistik Nasional Sensus Penduduk 2010 (Official 2010 Census Figures), Summed from definition
↑Istanbul is a transcontinental city straddling Eurasia. The majority of its residents live in the commercial and historical centre on the European side, and about a third of its population lives in suburbs on the Asian side of the Bosphorus, however the population figure includes the whole city.
↑深圳市2010年第六次全国人口普查主要数据公报[1] (sa wikang Tsino). Shenzhen Municipal Statistic Bureau. 2014-05-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-04. Nakuha noong 2011-07-28.
↑"武汉市2010年第六次全国人口普查主要数据公报". Wuhan Statistics Bureau. 10 May 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 October 2011. Nakuha noong 31 July 2011.
↑Figure for the municipality which extend well beyond the urban area (3,279.71 sq mi)
↑City Population includes these three cities in its figures for Xiamen (population 4-4.8 million), giving a total population of 10,000,000. However Xiamen is not actually contiguous